Sylvia Sanchez at asawa, isinugod sa ospital matapos makaramdam ng simtomas ng COVID-19

Sylvia Sanchez at asawa, isinugod sa ospital matapos makaramdam ng simtomas ng COVID-19

- Ibinahagi ni Sylvia Sanchez sa Instagram ang resulta ng COVID-19 test nila ng asawang si Art Atayde

- Ayon sa aktres, isinugod sila ng kanyang asawa sa pagamutan matapos makaranas ng ilang mga simtomas ng COVID-19

- Pagkatapos umano ng isang linggo ay napag-alaman nilang positibo sila sa coronavirus disease 2019

- Pinaalalahanan niya ang mga taong kanilang nakasalamuha bago pa ipatupad ang community quarantine na i-monitor kung makakaramdam sila ng simtomas

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa isang Instagram post, ibinahagi ni Sylvia Sanchez ang litrato ng resulta ng COVID-19 tests nila ng kanyang asawang si Art Atayde. Parehos silang nagpositibo sa coronavirus disease.

Isinalaysay ng aktres na noong March 24, isinugod silang mag-asawa sa Cardinal Santos matapos nilang makaramdam ng ilang simtomas ng nakakahawang sakit.

"On March 24, my husband and I were brought to Cardinal Santos as I was having chills and he had cough and shortness of breath," aniya.

Agad umano silang sumailalim sa COVID-19 test at nag self-isolate. Lumabas ang resulta matapos ang isang linggo at positibo nga ang mag-asawa.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Pinaalahanan niya ang mga taong kanilang nakasalamuha bago ang community quarantine na pakiramdaman at i-monitor kung makararanas sila ng mga simtomas kagaya ng hirap sa paghinga, ubo, lagnat, LBM at pananakit ng lalamunan.

Unti-unti naman umanong bumubuti ang kalagayan nilang mag-asawa at magbabahagi umano sila ng update tungkol sa kanilang kalagayan.

Sylvia Sanchez at asawa, isinugod sa ospital matapos makaramdam ng simtomas ng COVID-19

Sylvia Sanchez at asawa, isinugod sa ospital matapos makaramdam ng simtomas ng COVID-19
Source: Instagram

Paalala ni Sylvia sa publiko, alagaan ang kalusugan at uminom ng 1000mg ng Vitamin C at 20mg ng zinc araw-araw. Hinimok niya rin ang lahat na manatili sa bahay upang hindi maging dahilan sa lalong pagkalat ng virus.

Si Sylvia Sanchez ay isang Pinay actress na napapanood sa Kapamilya network. Siya ang ina ng magkapatid na sina Arjo at Ria Atayde.

Sa naunang ulat ng KAMI, ibinahagi ni Sylvia Sanchez ang masayang bonding moment ng kanilang pamilya kasama si Maine Mendoza na kasintahan ng anak niyang si Arjo.

POPULAR: Read more about Entertainment news here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Human Meter offers a new episode of a ‘Pinoy Confessions’ feature. Our team gave some pieces of advice to our followers who are going through difficult situations in life!. Check out all of our videos on our KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel