Pangulong Duterte, nagbanta sa mga opisyal na hindi gagamitin sa tama ang COVID-19 fund

Pangulong Duterte, nagbanta sa mga opisyal na hindi gagamitin sa tama ang COVID-19 fund

- Nagbanta si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga opisyal na hindi gagamitin sa tama ang COVID-19 aid fund

- Giit niya, papatalsikin niya rin ang mahuhuling magtatago ng mga pagkain at mangungurakot

- Samantala, ang mga mahuhuli naman niyang kukuha ng pera ay posibleng ipaaresto niya

- Sabi rin ni Pangulong Duterte, may nakalaang pera para sa mga taong nangangailangan ngayong may enhanced community quarantine

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nagbigay ng banta si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga opisyal na mahuhuling hindi ginagamit sa tama ang pera para sa pangtulong ngayong may krisis na dulot ng coronavirus disease (COVID-19).

Nalaman ng KAMI na binantaan ng Pangulo ang mga opisyal nang harapin niya ang mga Pilipino sa isang nation address nitong Lunes ng gabi.

Ayon sa ulat ng CNN Philippines (isinulat ni Danielle Nakpil), pinaliwanag ni Pangulong Duterte na ayaw niyang gawing pulitika ang pamimigay ng tulong sa taumbayan.

“I am not a cruel man pero kung may report ang pulis, I will order your detention hanggang matapos itong COVID-19,” giit ng Pangulo.

“‘Wag na ‘wag kayong mandaya, mangurakot, at taguin ‘yung mga pagkain at ‘yung iba hindi bigyan… Kung mamulitika ka tapos mabalitaan ko na ‘yan ang nagawa mo, I will suspend you ora mismo," dagdag niya pa.

Sa ulat naman ng Inquirer (isinulat ni Krissy Aguilar), nagbanta rin si Pangulong Duterte sa mga mahuhuli niyang naglilikom ng pera na dapat ay para sa taumbayan.

“And for those who are really absconding the money, I will detain you, and maybe I will release you pagkatapos ng COVID-19," sabi niya.

Sabi naman sa ulat ng GMA News Online, sinabi ni Pangulong Duterte na may pondong P200 billion ang gobyerno para makatulong sa mga pamilyang nangangailangan.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Samantala, nauna namang ibalita ng KAMI na para kay Department of Interior and Local Government Secretary Eduardo Año, hindi “advisable” na i-extend pa ang enhanced community quarantine sa Luzon.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Our team gave some pieces of advice to our followers who are going through difficult situations in life! Check out all of the exciting videos and celebrity interviews on our KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel