Mangangalakal na 'di nabigyan ng relief, walang quarantine pass, viral

Mangangalakal na 'di nabigyan ng relief, walang quarantine pass, viral

- Dumurog sa puso ng marami ang social media post tungkol sa isang matandang mangangalakal sa Maynila

- Ayon sa uploader, hindi raw ito nabigyan ng relief goods dahil wala itong quarantine pass

- Hindi umano ito nabigyan sa barangay dahil wala itong maibigay na address sa lugar

- Bumuhos naman ang tulong para kay tatay mula sa mga netizens na naantig ang damdamin sa kalagayan nito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Viral ngayon sa social media ang isang post tungkol sa isang lalaking mangangalakal sa lungsod ng Maynila.

Ayon sa viral post, hindi umano nabigyan ng relief goods mula sa barangay ang mangangalakal na kinilalang si Gerry.

Sabi ng uploader na si Loreto Baby Ramos Ilao, walang quarantine pass si tatay Gerry dahil hindi umano ito nabigyan sa kanilang barangay.

Wala raw kasi itong maibigay na address sa mga opisyal dahil namamalagi lamang ito sa isang bakanteng lote.

Mariin naman itong kinondena ng maraming netizens lalo pa at panahon ito ng krisis.

Marami rin nag-tag kay Mayor Francisco "Isko Moreno" Domagoso.

Sa isa pang post ni Ilao, isang video naman ang ibinahagi nito kung saan maririnig ang boses ng isang lalaki.

Malinaw din na sinabi ng lalaki na lahat lamang ng mayroong quarantine pass ang makatatanggap ng relief goods.

Samantala, napag-alaman naman ng KAMI na mayroong mga netizens ang nagpaabot ng tulong para kay tatay Jerry.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Nais pong ipabatid ng KAMI na bukas kami sa bawat panig.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

TikTok Top 10: Vanchee and Andre React To Coolest Videos You Can't Miss

Stay home and watch HumanMeter review of the top 10 coolest Pinoy TikTok videos. Let us know in the comments which one you liked the most. Check out all our videos on KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel