Ilang OFW na di nakaalis ng bansa dahil sa banta ng COVID-19, stranded sa Rizal

Ilang OFW na di nakaalis ng bansa dahil sa banta ng COVID-19, stranded sa Rizal

- Nakababahala ang kalagayan ng ilan nating mga kababayang OFW na nasa gilid lamang ng kalsada sa Cainta, Rizal

- Pinaalis na kasi sila ng kanilang recruiter upang makahanap ng ibang matutuluyan dahil di na sila makaaalis patungo sanang Saudi Arabia

- Labis na nakababahala ang kanilang kalagayan lalo pa at patuloy na tumataas ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa

- Sa huling update sa kalagayan ng mga OFW, tutulungan na ang mga Pinay na ito ni OFW Family Partylist Rep. Bobby Pacquiao upang maisaayos ang kanilang kalagayan at sitwasyon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nakakadurog ng puso ang kalagayan ng ilang mga kababayan nating Overseas Filipino Workers na di nakaalis ng bansa bunsod ng banta ng coronavirus disease 2019 o COVID-19 sa buong mundo.

Ayon sa Philippine Star, na-stranded ang ilang mga Pinay na ito na patungo sana ng Saudi Arabia.

Ngunit dahil sa banta ng COVID-19 sa mundo, di na pinayagan pang makapasok ng Saudi ang mga tulad ng mga kababayan nating OFW.

Dahil dito, pinaalis na ng kanilang recruiter ang mga Pinay at pinahahanap na sila ng ibang matutuluyan.

Ngunit dahil karamihan sa kanila ay mula Cotabato City, dagdag pahirap pa ngayon sa kanila ang matutuluyan lalo pa at naka-enhanced community quarantine ang Luzon.

Kasalukuyan kasing nasa Cainta, Rizal ito at nakikipagsapalaran sa gilid ng kalsada sa kabila ng banta ng COVID-19.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Base sa huling update ng naturang post, nakarating na ito sa opisina ni OFW Family Partylist Rep. Bobby Pacquiao at handa silang tulungan ang mga kaawa-awa nating mga kababayan.

Idudulog din nila sa OWWA ang kalagayan ng mga OFW upang mas matulungan sila sa kasalukuyan nilang kalagayan.

Marso 9 nang magsara ng borders ang ilang mga bansa kabilang na ang Saudi Arabia dahil sa di mapigil na paglaganap ng COVID-19 ayon sa Fox News.

Ito ay upang maproteksyunan na rin ang bawat isa upang makaiwas na rin sa nakamamatay ng virus.

Tulad na lamang sa ating bansa, kasalukuyan nang nasa 1,546 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 base sa huling datos na inilabas ng Department of Health ngayong Marso 30.

Dahil dito, mariing ipinapaalala ng DOH na manatili na lamang sa ating mga tahanan upang mapigilan na ang patuloy na pagtaas ng bilang ng mga nag-positibo sa virus na kumitil na rin sa buhay ng marami.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Stay home and watch HumanMeter review of the top 10 coolest Pinoy TikTok videos. Let us know in the comments which one you liked the most.

TikTok Top 10: Vanchee and Andre React To Coolest Videos You Can't Miss | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Hot:
Mailfire view pixel