101-anyos, himalang nakaligtas sa COVID-19 at pandemic flu noong 1918

101-anyos, himalang nakaligtas sa COVID-19 at pandemic flu noong 1918

- Isang 101-anyos na lalaki sa Italy na nagpositibo sa coronavirus ang nakauwi na sa kanyang pamilya

- Ayon sa mga doktor at nurse sa ospital kung saan ito na-admit ay maituturing na milagro ang mabilis na paggaling nito

- Pero, bukod pala sa COVID-19, isa pang pandemic flu na kumalat noong 1918 ang nalagpasan din nito

- Isa itong magandang balita lalo na sa mga mamamayan sa Italy na labis na naapektuhan ng virus at nakapagtala ng libo-libong positive cases

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see

Isang 101-anyos na lalaki sa Italy na nagpositibo sa coronavirus ang nakauwi na sa kanyang pamilya.

Ang pasyenteng tinawag na "Mr. P" na mula sa Ramini ay na-discharge na sa ospital noong Miyerkules ayon sa report ng Futurism.

Ayon sa mga doktor at staff ng Infirmi Hospital kung saan ito nanatili ay maituturing na milagro ang mabilis na paggaling ni Mr. P.

Base sa mga reports, sinabing ang mga matatanda ang mas madaling dapuan ng virus.

Pero, bukod pala sa COVID-19, isa pang pandemic flu na kumalat noong 1918 at kumitil sa buhay ng milyon-milyong tao ang nalagpasan din ni Mr. P.

Ipinanganak si Mr. P taong 1919 at batay sa mga ulat ay patuloy pa rin ang pagkalat ng 1918 pandemic flu o Spanish flu na tumagal hanggang 1920.

Samantala, sa isang statement na inilabas ng local news outlet na Ramini Today, ipinabatid ng vice mayor ng lugar na si Gloria Lisi ang magandang balitang ito sa kabila ng sunod-sunod na pagkamatay sa Italy dahil sa virus.

"Given the progress of the virus, it could not even be called a ‘story like many’ if it were not for a detail that makes the life of the person returned to their loved ones truly extraordinary.

"Mr. P., from Rimini, was born in 1919, in the midst of another tragic world pandemic. He saw everything, hunger, pain, progress, crisis and resurrections. Once over the 100-year-old barrier, fate has put this new challenge before him, invisible and terrible at the same time. Last week, Mr. P. was hospitalized at in Rimini after testing positive for COVID-19. In a few days, it became ‘history’ for doctors, nurses, and the rest of the healthcare personnel who treated him.

"A hope for the future finds itself in the body of a person over a century old, as the sad chronicles of these weeks mechanically tell every day of a virus that is raging especially on the elderly.

"Yet, Mr. P. made it. The family brought him home yesterday evening, to teach us that even at 101-years-old, the future has yet to be written.”

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Samantala, sa isa pang ulat ng , isang 5-anyos na batang babae ang nagpositibo sa COVID-19 sa probinsiya ng Nueva Vizcaya.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

TikTok Top 10: Vanchee and Andre React To Coolest Videos You Can't Miss

Stay home and watch HumanMeter review of the top 10 coolest Pinoy TikTok videos. Let us know in the comments which one you liked the most. Check out all our videos on KAMI

Source: Kami.com.ph

Online view pixel