5-anyos na bata sa Nueva Vizcaya, tinamaan na rin ng coronavirus

5-anyos na bata sa Nueva Vizcaya, tinamaan na rin ng coronavirus

- Isang 5-taong gulang na bata ang tinamaan na ng coronavirus disease sa Nueva Vizcaya

- Ang impormasyong ito ay nanggaling sa FB page ng gobernador ng probinsiya na si Gov. Carlos Padilla

- Batay sa update, kasalukuyan nang naka-isolate ang biktima sa Region 2 Trauma and Medical Center

- Samantala, umabot na sa mahigit 1500 ang nagpositibo sa virus sa bansa ayon sa DOH hanggang kaninang 4 p.m.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang 5-taong gulang na batang babae sa probinsiya ng Nueva Vizcaya ang tinamaan na rin ng coronavirus disease.

Ang impormasyong ito ay nanggaling sa Facebook page ni Governor Carlos M. Padilla.

Ayon sa post ni Gov. Padilla, ito na ang ikatlong positive case sa Nueva Vizcaya.

"3RD COVID-19 POSITIVE CASE CONFIRMED IN NUEVA VIZCAYA

"Provincial Covid-19 Taskforce Chair, Dr. Edwin Galapon CONFIRMS the 3rd positive case of Covid-19 in the province," ayon sa post.

Ang biktima ay residente ng Alfonso Castañeda at kasalukuyan nang naka-isolate sa Region 2 Trauma and Medical Center, kung saan direktang naadmit ang mga PUI's at Covid-19 patients ng probinsiya.

"The patient is a 5 year old Female from Alfonso Castañeda. UPDATE: The patient is now admitted and in isolation at R2TMC.

"This brings the total number of Positive Cases into 3 for the Province of Nueva Vizcaya. DOH will elaborate on the details during its regular media briefing hosted by PIA Region 2," ayon sa statement.

Samantala, nakapagtala na ng 1,546 na positibong kaso sa Pilipinas hanggang kaninang 4 p.m. ayon sa Department of Health.

Ito ay matapos magkaroon ng karagdagang 128 na kaso.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

TikTok Top 10: Vanchee and Andre React To Coolest Videos You Can't Miss

Stay home and watch HumanMeter review of the top 10 coolest Pinoy TikTok videos. Let us know in the comments which one you liked the most. Check out all our videos on KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel