7 buwang gulang na sanggol na may COVID-19, nahawa mula sa kamag-anak galing abroad

7 buwang gulang na sanggol na may COVID-19, nahawa mula sa kamag-anak galing abroad

- Binahagi ng isang ina ang pinagdaraanan ng kanyang pitong buwang gulang na anak na tinamaan ng COVID-19

- Asymptomatic daw ito o aakalaing masigla at walang anumag sintomas ng virus

- Nakuha di umano ito ng bata sa mga kamag-anak nilang galing sa abroad

- Magsilbing babala raw ito sa mayroong mga kamag-anak na galing sa ibang bansa na hangga't maari ay huwag na munang lumapit o humawak sa mga mahal sa buhay na nadatnan sa bansa

- Kahit daw kasi dumating silang tila malusog, malaki pa rin ang posibilidad na carrier sila ng COVID-19

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nakakadurog ng puso ang post ng ina na si "missnoorcahaya" sa kanyang Instagram kung saan binahagi niya ang pinagdaraanan nila ngayon at nagpositibo sa COVID-19 ang kanyang pitong buwang gulang na sanggol.

Ikinuwento niya na asymptomatic ang kanyang anak na aakalain mong walang sakit.

Wala raw itong anumang sintomas ng coronavirus disease 2019 tulad ng ubo, sipon at lagnat.

Ang kanya raw anak ang pinakabatang nagkaroon ng COVID-19 sa Brunei.

Ayon pa sa ina, nakuha raw ito ng kanyang baby sa mga kamag-anak nilang galing abroad.

Magsilbing paalala raw ang kanilang sitwasyon ngayon lalo na sa mga pamilya na mayroong galing ibang bansa.

Maari kasing dumating sila na malusog o walang sakit at nakihalubilo sa mga kaanak at kaibigan ngunit di nila alam na carrier na pala sila ng nakamamatay na virus.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Base sa huling update ng ina ng bata, pinahihirapan na rin ng COVID-19 ang kanyang anak.

"Sameera is still a baby sometimes she’s ok other day she’s not.I try and try to give her that smile other days I fail, it’s not easy to be here with a 7 month-old baby that is still growing up," pahayag ng ina.

Base sa worldometer, nasa 127 na ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Brunei.

Dito sa Pilipinas, umabot na ito sa 1,546 ngayong Marso 30 base sa huling datos na inilabas ng Department of Health.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Stay home and watch HumanMeter review of top 10 coolest Pinoy TikTok videos. Let us know in the comments which one you liked the most.

TikTok Top 10: Vanchee and Andre React To Coolest Videos You Can't Miss | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel