Lalakeng tatalon sa tulay dahil walang mapakain sa pamilya, nailigtas ng pulis

Lalakeng tatalon sa tulay dahil walang mapakain sa pamilya, nailigtas ng pulis

- Naaktuhan ng isang pulis ang sana'y pagpapatiwakal ng isang lalaki sa Angeles City Pampanga

- Sa tulong ng ilan pang mga mamamayan ng lugar, napigilan ang lalaki

- Tila tuliro na ang haligi ng tahanan na ito at wala na raw siyang maipangtustos sa kanyang pamilya

- Sinasabing ito ay bunsod ng enhanced community quarantine sa Luzon na idineklara ni Pangulong Rodrigo Duterte upang mapigilan ang paglaganap ng COVID-19 sa bansa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nadurog ang puso ng mga netizen sa post ng Facebook page na Central Luzon Ngayon kung saan isang lalaki ang nagtangkang tumalon ng tulay dala ng matinding problema.

Mabuti na lamang at agad na napigilan ito ng isang pulis at ilang lalaki.

Base sa post, tuliro na ang isip ng lalaki na mula Angeles City Pampanga na isa palang ama. Wala na raw siyang maipakain sa kanyang pamilya kaya naisipan na lamang niyang kitilin ang sariling buhay.

Bunsod ito ng enhanced community quarantine na idineklara ni Pangulong Duterte nitong Marso 16 kung saan pinananatili na lamang sa kanya-kanyang mga tahanan ang mga taga-Luzon bilang pag-iingat sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa.

Dahil dito, marami ang naapektuhang mga hanapbuhay lalo na ang mga pamilya na umaasa lamang sa arawang kita.

Isa na marahil ang lalaking ito na sa kagustuhang sumunod sa awtoridad na manatili lamang sa kanilang tahanan ay wala naman nang maipakain sa kumakalam na sikmura ng kanyang pamilya.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kasalukuyan nang nasa 1,546 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa base sa huling naitala ng Department of Health ngayong Marso 30. Nakalulungkot ding malaman na walang naitalang naka-recover ngayong araw na ito at nananatili sa 42 ang bilang ng mga gumaling.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Stay home and watch HumanMeter review of the top 10 coolest Pinoy TikTok videos. Let us know in the comments which one you liked the most.

TikTok Top 10: Vanchee and Andre React To Coolest Videos You Can't Miss | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Online view pixel