Buntis na nurse, patuloy ang paglilingkod sa ICU kahit may banta ng COVID-19

Buntis na nurse, patuloy ang paglilingkod sa ICU kahit may banta ng COVID-19

- Isang Pinay nurse na buntis ang patuloy na naglilingkod sa mga pasyente kahit may banta ng COVID-19 sa bansa

- 4 na buwan na umano siyang buntis at ngayon ay malayo siya sa kanyang anak kaya malaking sakripisyo ito para sa kanya

- Paliwanag naman niya, nababawasan na ang mga health workers at siya ay may lakas pa para tumulong

- Dagdag pa ng nurse, may tungkulin daw silang sinumpaan kaya marapat lang na sila ay maglingkod ngayong may krisis

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Isang nurse ang patuloy na naglilingkod sa isang pribadong ospital sa Parañaque City kahit na patuloy ang pagdami ng kaso ng coronavirus disease (COVID-19) sa Pilipinas.

Nalaman ng KAMI na kahit may banta ng COVID-19 ay patuloy ang serbisyo ng buntis na nurse sa intensive care unit (ICU).

Ayon sa ulat ng 24 Oras Weekend, ang nurse na si Khristine Caryl Decipulo ay isang ina ng 3 anyos na bata at kasalukuyang buntis ng 4 na buwan.

Bagama’t ay hindi sa COVID-19 patients naka-assign, hindi naging hadlang ang mga ito upang patuloy niyang gampanan ang kanyang pagiging nurse.

“Unti-unting nauubos mga nurses natin, mga frontliners natin kasi isa-isa silang nagkakasakit. Parang ako naman, kaya ko pa naman eh, bakit hindi ako tumulong pa?” sabi ni Khristine.

“May sinumpaan kasing tungkulin. Nag-pledge tayo na tutulong tayo, ‘di ba? Alam mo ‘yung tawag ng tungkulin, calling talaga ang pagiging nurse,” dagdag niya pa.

Kwento ni Khristine, nagpapalakas naman siya sa pamamagitan ng pag-inom ng vitamins at supplements. Pansamantalang lumipat din muna siya ng pagtutuluyan kaya malaking sakripisyo rin para sa kanya ang malayo sa kanyang anak at pamilya.

“‘Di eh, nurse kami, eh. Kailangan nating gawin ‘to. Kailangan ng pasyente nang mag-aalaga. Kung pati kami matatakot, sino pang gagawa?” sabi ni Khristine.

Malaki rin ang pasasalamat ng mga health workers sa mga nagbigay ng tulong sa kanila ngayong may krisis.

“Sobrang nakakataba ng puso kasi sa tanang buhay naming mga nurse, parang ngayon lang kami na-appreciate kung kailan nagkaroon ng COVID outbreak, ngayon lang kami napansin,” aniya.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Panawagan naman niya, sana ay magkaroon sila ng karampatang sahod at dagdag na benepisyo katulad ng mga health workers ng gobyerno dahil pare-parehas naman silang nagbubuwis ng buhay upang makatulong sa ibang tao.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Kapuso Actress Kris Bernal talks about her career, future goals, and being an entrepreneur. Watch now as she also has a message to tell to her bashers. Check out all of the exciting videos and celebrity interviews on our KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel