High-tech! Isang app para malaman kung sino may kailangan ng COVID-19 test, inilunsad na

High-tech! Isang app para malaman kung sino may kailangan ng COVID-19 test, inilunsad na

- Isang grupo ng mga Pilipino ang nag-imbento ng mobile app upang makatulong ngayong may krisis na dulot ng coronavirus disease (COVID-19)

- Sa app na ito, mas mapapadaling malaman kung sino ba ang may kailangang sumailalim sa COVID-19 test

- Dagdag pa rito, malalaman din ng tao ang kanyang COVID-19 status at kung siya ba ay nakisalamuha sa taong positibo sa coronavirus

- Layunin ng app na ito na makatulong sa Department of Health at sa mga ospital upang mapadali ang kanilang mga proseso

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Isang bagong mobile application ang ginawa ng mga graduate students upang malaman ng tao kung sila ba ay dapat nang sumailalim sa coronavirus disease (COVID-19) test.

Nalaman ng KAMI na ang mga graduate students ng Asian Institute of Management (AIM) ay bumuo ng app upang makatulong sa Department of Health (DOH).

Ayon sa ulat ng Inquirer (isinulat ni Doris Dumlao-Abadilla), ang application na ENDCoV ay kumukuha ng mga impormasyon sa mga taong pinaghihinalaang may COVID-19.

Ang app na ito ay gumagamit ng algorithm na ginagamit din sa mga ospital para sa mga pasyenteng posibleng may coronavirus.

Sa pamamagitan ng app na ito, malalaman ng tao ang kanyang COVID-19 status at kung siya ay nakisalamuha sa isang taong may sakit na ito.

In the past couple of weeks, our team observed that it is important for people to access accurate and up-to-date information on their personal health, for them to feel more secure amid the pandemic,” sabi Charles de Belen, co-founder ng ENDCoV.

Sabi sa ulat ng Philippine Star, layunin ng mga estudyante ng Master of Science in Innovation and Business program na mas mapabilis ang proseso sa mga ospital upang malaman kung sino ang mas nangangailangan ng atensyon at tulong ngayong laganap ang COVID-19 sa bansa.

Ang ENDCoV app ay pwede nang ma-download ngayon sa Google Play at libre ito para sa lahat.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Nais din ng mga gumawa nito na magdagdag pa ng ibang features tulad na lang ng heat maps upang malaman kung anong mga lugar ang dapat iwasan at telemedicine feature para sa mga online consultations.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Kapuso Actress Kris Bernal talks about her career, future goals, and being an entrepreneur. Watch now as she also has a message to tell to her bashers. Check out all of the exciting videos and celebrity interviews on our KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Hot:
Online view pixel