Sanhi ng pagliyab ng Lionair plane na kumitil sa 8 buhay, inilahad na

Sanhi ng pagliyab ng Lionair plane na kumitil sa 8 buhay, inilahad na

- Inilahad na ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang naging sanhi ng pagliyab ng Lionair plane nito lamang Linggo ng gabi

- Ayon sa CAAP, technical problem ang nakita nilang dahilan ng aksidente

- Ayon sa statement, humahanap na ang Philippine Aeronautical Rescue Coordination Center (PARCC) ng karagdagang impormasyon ukol rito

-Walo ang nasawi kabilang ang isang flight medic, nurse, doktor, tatlong flight crew, isang pasyente at kasama nito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Inilahad na ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) sa pamamagitan ng isang statement ang naging sanhi ng pagliyab ng Lionair plane nito lamang Linggo ng gabi, na una nang naiulat ng KAMI.

Ayon sa CAAP, technical problem ang nakita nilang dahilan ng aksidente, batay na rin sa isang ulat ng GMA News.

"The medical evacuation flight, bound for Tokyo/Haneda in Japan reportedly encountered a technical problem while rolling for takeoff on Runway 06," ayon sa statement.

Ganunpaman, sinabi rin ng CAAP na humahanap na ang Philippine Aeronautical Rescue Coordination Center (PARCC) ng karagdagang impormasyon ukol rito.

Sa isa namang ulat ng DZBB, sinabing binuksan na ang Runway 06/24 ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ngayong 5:04 ng umaga, Lunes.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Walo ang nasawi kabilang ang isang flight medic, nurse, doktor, tatlong flight crew, isang pasyente at kasama nito.

Samantala, ilang buwan lang ang nakakaraan nang mag-crash naman ang isang Lionair medevac sa Laguna.

"Right now, the initial step that we are looking into is grounding the whole fleet. It's quite alarming, but we are looking into the records deeply," sabi ni CAAP Deputy Director-General for Operations na si Captain Don Mendoza.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

TikTok Top 10: Vanchee and Andre React To Coolest Videos You Can't Miss

Stay home and watch HumanMeter review of the top 10 coolest Pinoy TikTok videos. Let us know in the comments which one you liked the most. Check out all our videos on KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel