Huling social media post ng doktor na kasama sa nasawi sa NAIA plane crash, viral na

Huling social media post ng doktor na kasama sa nasawi sa NAIA plane crash, viral na

- Usap-usapan ngayon sa social media ang nangyaring aksidente sa isang eroplano sa NAIA

- 8 ang nasawi kabilang ang apat na flight crew, isang doktor, isang nurse, isang Canadian national na pinaniniwalaang ang pasyente at kasama nitong isang American

- Ang Lion Air Flight RPC 5880 ay naiulat na papuntang Japan para sa isang medical evacuation

- Ayon sa kanyang huling social media post, umaasa pa ang doktor na bumalik sa dati ang lahat bago pa man naging pandemic ang COVID-19

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Marami ang nalungkot sa pangayayari sa NAIA nitong Linggo kung saan walong katao ang nasawi matapos lumiyab ang Lion Air Flight RPC 5880.

Kabilang sa mga nasawi ay ang isang doktor na nagtatrabaho sa Mandaluyong City Medical Center na si Dr. Nicko Bautista.

Sa kanyang huling social media post bago pa mangyari ang aksidente, inihayag ng doktor ang kanyang nararamdaman sa gitna ng pangamba sa COVID-19.

Aniya, "I can't wait for this to be over. For all the worrying to be done. For all the uncertainties to end."

Ibinahagi niya rin ang mga bagay na gusto niyang magawa pag natapos na ang pakikipaglaban sa coronavirus.

"I can't wait to go back to how it was. To see my friends. To drink with my cousins. To kiss my niece. To hug my dad. And for my sister to be well.

Hindi din niya maiwasang matakot para sa kanyang kaligtasan lalo at marami na ang mga frontliners na nahawa.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"I can't wait to not think about if I'm going to be sick or not. If I'm going to be another number on the census board."

Ayon sa Manila Bulletin, 8 ang nasawi kabilang ang apat na flight crew, isang doktor, isang nurse, isang Canadian national na pinaniniwalaang ang pasyente at kasama nitong isang American.

Sa naunang ulat, ilang mga saksi ang nagsabing nangyari ang insidente alas otso ng Gabi nitong Linggo.

POPULAR: Read more viral news here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Kris Bernal shares a message amid the bashing and negative comments regarding her body weight. She also talked about her career, future goals and being an entrepreneur. Check out all of our videos on our KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Hot:
Mailfire view pixel