Senator Manny Pacquiao, nagnegatibo sa COVID-19

Senator Manny Pacquiao, nagnegatibo sa COVID-19

- Ibinahagi ni Senator Manny Pacquaio na negatibo ang resulta ng kanyang COVID-19 tets

- Ginamit umano niya ang testing kit mula South Korea kahit hindi pa ito aprubado ng Food and Drug Administration sa bansa

- Napagpasyahan niyang sumailalim sa home quarantine bago pa man matanggap ang sulat mula sa pamunuan ng Baranggay Dasmariñas

- Wala din umano siyang naranasang simtomas ng COVID-19 simula nang lumabas ang balita tungkol sa ilang kasamahang nag positibo sa COVID-19

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Inamin ni Senator Manny Pacquiao na nakapagpa test na siya para sa COVID-19. Ito ay matapos niyang makatanggap ng Rapid Testing Kits mula sa kaibigan niya sa South Korea. Aniya, hindi pa ito aprubado sa bansa pero naging mabisa ito sa pagpababa ng kaso ng COVID-19 sa South Korea.

"Huwag po kayong mag-alala. May natanggap po akong Rapid Testing Kits mula sa aking mga kaibigan sa South Korea. Gamit ang rapid test kit na approved sa Korea, ako po ay nag-negatibo. Hindi pa approved ng FDA dito pero yon po ang ginagamit sa Korea," aniya

.

Nilinaw ni Senator Manny Pacquiao na political meeting at hindi party ang pagtitipon na kanyang dinaluhan kung saan kasama niya si Senator Koko Pimentel na nagpositibo sa COVID-19. Matatandaang umani ng matinding pambabatikos si Senator Pimentel matapos nitong samahan ang kanyang asawang buntis sa isang ospital.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa kabila ng kanyang dahilan na hindi niya alam na positibo na pala siya sa nasabing sakit, nalabag ng senador ang protocol para sa pag home quarantine. Matatandaang lumabas sa social media ang sulat mula sa pamunuan ng Barangay Dasmarinas kung saan ipinapaalam kay Senator Manny na kinakailangan niyang mag-home quarantine.

Si Manny Pacquiao ay isang boxer na naging isang politiko. Ang tunay niyang pangalan ay Emmanuel Dapidran Pacquiao at siya'y anak ng popular na si Mommy Dionisia Pacquiao. Mahirap ang naging buhay ni Pacquiao noong siya'y bata pa lang. Binuhusan niya ng atensyon ang boxing kung kaya't naging magaling siya dito at ngayo'y isa sa mga pinakarespetadong boksingero sa mundo. Kasal siya kay Jinkee Pacquiao at may limang anak sila sa kasalukuyan. Isa rin si Pacquiao sa mga senador ng Pilipinas sa ngayon.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Kris Bernal shares a message amid the bashing and negative comments regarding her body weight. She also talked about her career, future goals and being an entrepreneur. Check out all of our videos on our KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel