2 taong gulang na PUI, pumanaw isang araw bago ang kanyang kaarawan

2 taong gulang na PUI, pumanaw isang araw bago ang kanyang kaarawan

- Viral ang post tungkol sa isang dalawang taong gulang na patient under investigation sa COVID-19 na pumanaw na

- Emosyonal na tagpo raw ito ayon sa nurse na nakasaksi ng pangyayari dahil magdiriwang sana ng kaarawan ang bata

- Sumigaw pa raw ang ina nito na gawin daw sana ng ospital ang lahat ng makakya nila sapagkat kaarawan ng bata kinabukasan

- Nadurog ang puso ng maraming netizens na nakakita sa naturang post

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Agaw eksena online ang nakakadurog ng puso na post tungkol sa isang dalawang taong gulang na patient under investigation sa COVID-19 na pumanaw na.

Binahagi ng netizen na si Madelaine E. Basit-Panopio ang nasaksihang tagpo ng nurse na si Mayette Salufrania-Lacuanan.

Habang sinusubukang isalba ang bata, narinig pa umano ng nurse na sumigaw ang ina nito at nagwika ng "Gawin niyo po ang lahat, huwag kayong titigil, birthday niya bukas..."

Hindi raw napigilan ng nurse na maiyak sa tagpong ito na labis na kumurot sa kanyang puso.

Para sa mga netizens, magsilbing aral nawa ang pangyayaring ito na huwag na raw lumabas pa ng bahay at nadadamay ang mga inosenteng tulad ng batang pumanaw.

May hashtag ang post na #nevera3yearold sapagkat, di na umabot pa ang bata sa ikatlong taong kaarawan niya sana.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Hindi ito nalalayo sa naunang naiulat ng KAMI tungkol sa isang taong gulang na sanggol na pinakabatang tinamaan ng COVID-19 sa bansa.

Marso 27 nang kumpirmahin ito ni Governor Humerlito "Bonz' Dolor ng Oriental Mindoro ngunit dahil sanggol pa ito, pinauulit niya ang COVID-19 test upang makasiguro.

Samantala, base sa huling datos ng Department of Health, umabot na sa 1,418 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa mgayong Marso 29.

Ngayon din ang may pinakamataas na naitala sa isang araw na umabot sa 343.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Stay home and watch HumanMeter review of top 10 coolest Pinoy TikTok videos. Let us know in the comments which one you liked the most.

TikTok Top 10: Vanchee and Andre React To Coolest Videos You Can't Miss | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Online view pixel