Sen. Bong Revilla at Lani Mercado, hanggang flying kiss lang sa kanilang wedding anniversary

Sen. Bong Revilla at Lani Mercado, hanggang flying kiss lang sa kanilang wedding anniversary

- Nagdiwang kamakailan ng kanilang wedding anniversary sina Senator Bong Revilla at Bacoor Mayor Lani Mercado

- Gayunpaman, dahil sa kasalukuyang sitwasyong dulot ng COVID-19 hindi sila maaring magkalapit

- Nagpalitan na lamang ang mag-asawa ng flying kiss bilang pagbati sa kanilang anniversary

- Parehas silang na-expose sa taong COVID-19 positive kaya kinailangan nila parehong mag self quarantine

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nagkasya na lamang sa palitan ng flying kiss ang mag-asawang Bong Revilla at Lani Mercado dahil sa kanilang self-quarantine matapos ma-expose sa taong positive sa COVID-19.

Nag-celebrate sila ng kanilang 34th wedding anniversary noong Marso 25, Miyerkules.

Ibinahagi ng mag-asawa sa Facebook ang litrato nilang nagpapalitan ng flying kiss dahil bawal muna silang maglapit.

Natapos na sa kanyang 14-day quarantine si Senator Bong samatalang nasa ikalimang araw pa lamang si Lani matapos makasalamuha din ang taong nagpositibo sa COVID-19.

Sabi ni Bong, gusto sana niyang bilhan ng regalo ang asawa, pero wala naman siyang mabibilhan. Hindi din ito makapag-orer ng bulaklak.

"Love amid Covid19. Dahilan na rin sa dinami-daming mga kaganapan, nalimutan kong anniversary natin! Kaya ito, naka-self-quarantine man ako, alam kong maraming taon pa tayong magsasama’t magmamahalan. Happy anniversary"

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Matatandaang inanunsiyo ni Senator Bong ngayong araw ang pagpanaw ng isa sa kanyang staff na nakasama niya ng halos 30 taon.

Si Senator Ramon "Bong" Revilla Jr ay unang nakilala bilang action star at actor. Nahalal siya bilang Senador ng Pilipinas noong 2004.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Kris Bernal shares a message amid the bashing and negative comments regarding her body weight. She also talked about her career, future goals and being an entrepreneur. Check out all of our videos on our KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel