Sen. Manny Pacquiao, nais paimbistigahan ang pagkalat ng sulat mula sa Brgy. Dasmariñas

Sen. Manny Pacquiao, nais paimbistigahan ang pagkalat ng sulat mula sa Brgy. Dasmariñas

- Nais paimbistigahan ni Senator Manny Pacquiao ang pagkalat ng sulat mula sa Baranggay Dasmariñas para sa kanya

- Ito ay upang ipaalam at paalalahanan siya at ang kanyang buong pamilya na sumailalim sa self-quarantine

- Matatandaang naging usap-usapan ang nasabing sulat matapos ito kumalat sa social media

- Ito ay kasunod ng pagputok ng balitang nagpositibo sa COVID-19 ang kapwa senador niyang si Koko Pimentel

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nais paimbistigahan ni Senator Manny Pacquiao ang pagkalat sa social media ng sulat para sa kanya mula sa Barangay Dasmariñas kung saan pinalaalahanan siyang kailangan niyang sumailalim sa home quarantine kasama ang kanyang pamilya. Kasunod ito ng balitang nakasama ni Senator Manny si Senator Koko Pimentel na nagpositibo sa COVID-19.

Matatandaang umani ng matinding pambabatikos si Senator Pimentel matapos nitong samahan ang kanyang asawang buntis sa isang ospital. Sa kabila ng kanyang dahilan na hindi niya alam na positibo na pala siya sa nasabing sakit, nalabag ng senador ang protocol para sa pag home quarantine.

“It has come to my attention that your letter that has been subject of several news reports and malicious social media posts,” ani Pacquiao sa isang sulat bilang tugon sa kumakalat na sulat.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

“In this regard, I wish to know how this private letter addressed to me went around social media with total disregard to my right to privacy. Meantime, I will refer this matter to the appropriate agency for proper investigation to avoid the same incident from happening,” idagdag pa niya.

Si Manny Pacquiao ay isang boxer na naging isang politiko. Ang tunay niyang pangalan ay Emmanuel Dapidran Pacquiao at siya'y anak ng popular na si Mommy Dionisia Pacquiao. Mahirap ang naging buhay ni Pacquiao noong siya'y bata pa lang. Binuhusan niya ng atensyon ang boxing kung kaya't naging magaling siya dito at ngayo'y isa sa mga pinakarespetadong boksingero sa mundo. Kasal siya kay Jinkee Pacquiao at may limang anak sila sa kasalukuyan. Isa rin si Pacquiao sa mga senador ng Pilipinas sa ngayon.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Kris Bernal shares a message amid the bashing and negative comments regarding her body weight. She also talked about her career, future goals and being an entrepreneur. Check out all of our videos on our KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel