Sen. Manny Pacquiao, umalma sa balitang nakipagparty siya kasama si Sen. Koko Pimentel

Sen. Manny Pacquiao, umalma sa balitang nakipagparty siya kasama si Sen. Koko Pimentel

- Inalmahan ni Senator Manny Pacquiao ang lumabas na balitang namataan siya sa isang party kasama si Senator Koko Pimentel

- Nilinaw niyang iyon ay isang political meeting ng Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban)

- Ito ay matapos kumalat sa social media ang sulat mula sa chief ng Barangay Dasmarinas na kung saan sinabihan siyang kailangan niyang sumailalim sa home quarantine

- Ani Pacquiao, hindi maganda ang salitang 'partying' lalo na sa panahon ngayon na lahat ay nahihirapan dahil sa COVID-19

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nilinaw ni Senator Manny Pacquiao na political meeting at hindi party ang pagtitipon na kanyang dinaluhan kung saan kasama niya si Senator Koko Pimentel na nagpositibo sa COVID-19.

Matatandaang umani ng matinding pambabatikos si Senator Pimentel matapos nitong samahan ang kanyang asawang buntis sa isang ospital. Sa kabila ng kanyang dahilan na hindi niya alam na positibo na pala siya sa nasabing sakit, nalabag ng senador ang protocol para sa pag home quarantine.

Matatandaang lumabas sa social media ang sulat mula sa pamunuan ng Barangay Dasmarinas kung saan ipinapaalam kay Senator Manny na kinakailangan niyang mag-home quarantine.

"The word 'partying' casts me as someone insensitive to the current crisis of the nation,” ani Pacquiao.

Aniya, sumailalim na sa home quarantine at social distancing ang kanyang pamilya bago pa natanggap ang sulat.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

“I would like to remind you that it is in the best interest of our immediate community, and of the general public, if we refrain from making assertions or conclusions based on unverified news items and malicious social media posts," dagdag pa ni Senator Manny.

Si Manny Pacquiao ay isang boxer na naging isang politiko. Ang tunay niyang pangalan ay Emmanuel Dapidran Pacquiao at siya'y anak ng popular na si Mommy Dionisia Pacquiao. Mahirap ang naging buhay ni Pacquiao noong siya'y bata pa lang. Binuhusan niya ng atensyon ang boxing kung kaya't naging magaling siya dito at ngayo'y isa sa mga pinakarespetadong boksingero sa mundo. Kasal siya kay Jinkee Pacquiao at may limang anak sila sa kasalukuyan. Isa rin si Pacquiao sa mga senador ng Pilipinas sa ngayon.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Kris Bernal shares a message amid the bashing and negative comments regarding her body weight. She also talked about her career, future goals and being an entrepreneur. Check out all of our videos on our KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel