59-anyos na COVID-19 survivor, emosyonal na nagpaalam sa mga health workers

59-anyos na COVID-19 survivor, emosyonal na nagpaalam sa mga health workers

- Viral ang video ng pinakaunang COVID-19 survivor ng Unihealth Southwoods Hospital and Medical Center

- Siya ang 59-anyos na pasyente na dalawang beses nang nag-negatibo sa isinagawang COVID-19 test

- Pinalakpakan siya ng mga health workers ng naturang ospital kaya naman emosyonal na namaalam ang lola sa mga nag-alaga sa kanya

- Napag-alamang katatapos lang pala ng kaarawan nito kaya naman ang kanyang paggaling ay maituturing niyang isang napakagandang regalo

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Umantig sa puso ng maraming netizens ang video ng 59-anyos na lola na naka-recover sa COVID-19.

Ayon sa post ni Shaira Hilario, ang lola na ito ang pinakaunang COVID-19 patient na gumaling sa Unihealth Southwoods Hospital and Medical Center sa Biñan, Laguna.

Makikita sa video na habang papalabas ang dating pasyente ay pinapalakpakan ito ng mga health workers ng naturang ospital.

Di naman mapigilan na maging emosyonal ng lola habang inilalabas na siya sa ospital.

Napag-alamang katatapos lang pala ng kaarawan nito kaya naman maituturing na napakagandang regalo ang kanyang paggaling.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Samantala, nanawagan naman ang nasabing ospital para sa mga karagdagang mga kagamitan at ito ay ang mga sumusunod:

Personal Protective Equipment (PPE), N95 masks, surgical masks, alcohol, gloves, face shields at goggles

Mangyaring kontakin na lamang daw si Kevin Sante 0915 484 8038 para sa mga nais na tumulong.

Sa huling tala ng Department of Health, umabot na sa 1,418 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Stay home and watch HumanMeter review of top 10 coolest Pinoy TikTok videos. Let us know in the comments which one you liked the most.

TikTok Top 10: Vanchee and Andre React To Coolest Videos You Can't Miss | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel