Isang foreigner na positibo sa COVID-19, nakatakas sa isang ospital sa Bicol

Isang foreigner na positibo sa COVID-19, nakatakas sa isang ospital sa Bicol

- Tumakas umano ang isang foreigner na nag-positibo sa COVID-19 sa Bicol Regional Training and Teaching Hospital (BRTTH)

- Sa isang Facebook post, humingi ng tulong si Albay 2nd District Representative Joey Salceda sa publiko upang matunton ang kinaroroonan ng foreigner

- Huling nakita umano ang 52-anyos na foreigner na isa umanong mekaniko noong March 25

- Hinimok ni Salceda ang publiko na ipagbigay alam sa BRTTH kung sakaling mamataan ito upang hindi na makahawa pa ng ibang tao

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang foreiner ang naiulat na tumakas sa BRTTH o Bicol Regional Training and Teaching Hospital sa Legazpi City. Ayon sa isang Facebook post ni Albay 2nd District Representative Joey Salceda, huling nakita ito noong March 25.

Hinimok niya ang publiko na ipagbigay alam agad sa BRTTH sa kaaling mamataan ang foreigner upang hindi na makahawa pa.

“Between March 16 to 25, he resisted and escaped from BRTTH. And was last seen in March 25,” ani Salceda.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

“At large, he clearly poses risks to himself and to the public health. This post is empowered by Republic Act No. 11332 or Mandatory Reporting of Notifiable Diseases,” dagdag pa niya.

Isang foreigner na positibo sa COVID-19, nakatakas sa isang ospital sa Bicol

Isang foreigner na positibo sa COVID-19, nakatakas sa isang ospital sa Bicol
Source: Facebook

Samantala sa isang Facebook post ni Salceda, natunton na ang foreigner pero hindi pa malinaw kung naibalik na ito sa ospital.

Matatandaang kinumpirma ng Kagawaran ng Kalusugan na mayroong tatlong kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Bicol Region.

Nanatiling nasa ilalim ng enhanced community quarantine anf buong Luzon dahil sa banta ng COVID-19.

Sa kasalukuyan, umabot na sa 664,192 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo. 30,888 dito ay nasawi habang 142,364 naman ang gumaling.

POPULAR: Read more about Filipino viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Kris Bernal shares a message amid the bashing and negative comments regarding her body weight. She also talked about her career, future goals and being an entrepreneur. Check out all of our videos on our KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel