SJDM Bulacan Mayor Arthur Robes, nilinaw ang tungkol sa pamimigay ng food stubs

SJDM Bulacan Mayor Arthur Robes, nilinaw ang tungkol sa pamimigay ng food stubs

- Nagsalita si San Jose del Monte, Bulacan Mayor Arthur Robes hinggil sa kontrobersiya tungkol sa pamimigay ng food stubs

- Ito ay matapos mag-viral kamakailan ang tungkol sa matandang naiyak matapos hindi mabigyan ng relief goods dahil wala siyang food stub

- Paglilinaw ng alkalde, namigay sila ng food stub dahil inuuna lang umano ang pinakamahihirap na pamilya sa lungsod

- Naging hati naman ang reaksiyon ng netizens hinggil sa isyu

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Matapos maging usap-usapan sa social media ang nag-viral na matandang umiyak dahil sa hindi nabigyan ng relief goods, umani ng pambabatikos ang naging aksyon ng mga taong nakatalaga upang mamigay ng tulong sa mga mamamayan sa San Jose del Monte, Bulacan.

May mga kumuwestiyon hinggil sa pamimigay ng food stubs na naging dahilan umano kung bakit hindi nabibigyan ang ilang mga nangangailangan ng tulong.

Sa isang panayam sa GMA News, sinabi ng anak ni Lola Ponyang na wala silang natanggap na stub.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"Wala po kaming stub dahil sinasabi po nila na meron kaming- na nasa akin 'yung stub po. Pero mali po 'yung mama ko na pagsabi na may stub po kami. Akala niya po 'yung stub na 'yun ay 'yung quarantine pass, so wala po talaga kaming stub. [B]ago ka bigyan dito ng relief goods, kailangan may stub ka muna," ani Jayson Samson, anak ng matandang umiyak.

Paglilinaw ni San Jose del Monte, Bulacan Mayor Arthur Robes sa GMA News, nagpamigay sila ng Food Stubs dahil inuuna lang umano ang pinakamahihirap na pamilya sa lungsod.

Kasalukuyang nasa ilalim ng community quarantine ang lungsod upang maiwasan ang patuloy na pagkalat ng COVID-19.

POPULAR: Read more about Filipino viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Kris Bernal shares a message amid the bashing and negative comments regarding her body weight. She also talked about her career, future goals and being an entrepreneur. Check out all of our videos on our KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel