Kasambahay sa QC na may ubo at sipon, pinalayas agad ng amo

Kasambahay sa QC na may ubo at sipon, pinalayas agad ng amo

- Isang kasambahay sa Quezon City ang walang awang pinaalis ng amo dahil mayroon itong ubo at sipon

- Binigyan lamang daw ito ng ₱2,000 at pinaalis na sa tirahan ng amo at di na pinababalik pa

- Agad na nagpunta ng health center ang kasambahay upang magpatingin

- Napag-alamang may pneumonia nga ito at kasalukuyang inoobserbahan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kaawa-awa ang sinapit ng isang kasambahay sa Quezon City kung saan, napalayas ito ng wala sa oras ng kanyang amo dahil siya'y inuubo at sinisipon.

Base sa ulat ng GMA News, pinaalis ang kasambahay ng kanyang amo sa Brgy. Bagong Lipunan sa Crame Quezon City sa paghihinalang ang ubo at sipon nito ay pawang sintomas ng COVID-19.

Binigyan daw ang kasambahay ng ₱2,000 at di na raw pinababalik pa sa bahay ng amo.

Agad namang nagtungo ang kasambahay sa health center upang magpatingin.

Ayon kay Eleucita Feliciano, chairperson ng nasabing barangay, sana naman daw ay nagkaroon ng kaunting malasakit ang amo sa kasambahay lalo na sa kondisyon nito.

Dinala ang kasambahay sa Philippine Lung Center. Doon, napag-alamang may pneumonia nga ito at patuloy na inoobserbahan.

Kasalukuyan na itong naka-confine.

Samantala, maging ang mga health workers ay nakararanas din ng diskriminasyon sa pangambang carrier na rin ito ng COVID-19.

Sa naunang ulat ng KAMI, maging ang isang doktor ay nakatanggap ng eviction letter sa tinitirhang bahay.

Agad naman daw naihanap ng pansamantalang tirahan ang mga pinaalis na health workers upang maibsan ang kanilang isipin lalo pa at sobra-sobrang sakripisyo na ang ginagawa nila bilang frontliners ng laban sa COVID-19.

Sa huling tala ng Department of Health ngayong Marso 29, umabot na sa 1,418 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Stay home and watch HumanMeter review of the top 10 coolest Pinoy TikTok videos. Let us know in the comments which one you liked the most.

TikTok Top 10: Vanchee and Andre React To Coolest Videos You Can't Miss | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel