Ilang health workers, napalayas sa inuupahang bahay sa takot na mahawa sa COVID-19

Ilang health workers, napalayas sa inuupahang bahay sa takot na mahawa sa COVID-19

- Nakararanas pa ng diskriminasyon ang ilan sa ating magigiting na health workers sa bansa

- Nagawa pa umanong palayasin ang ilan sa kanila sa mga inuupahang bahay o kwarto sa takot ng mga may-ari nito na "mahawa" raw ng COVID-19 sa kanila

- Ang ilan ay nabigyan na ng pansamantalang matutuluyan lalo na at kailangang-kailanagan sila sa mga ospital at di na mamroblema pa sa kanilang tirahan

- Labis na masakit ito para sa mga mga health workers dahil sa kabila ng paghihirap nila bilang mga frontliners, nakararanas pa sila ng ganitong klaseng diskriminasyon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Pinaalis di umano ang ilan sa ating mga health workers sa kanilang inuupahang bahay o kwarto sa Metro Manila dahil daw sa takot ng may-ari na mahawa sila sa COVID-19.

Sa ulat ni Saleema Refran ng GMA news, nakalap nilang may mga halth workers na nakraranas pa ng diskriminasyon mula sa kani-kanilang mga tinutulyang bahay.

Ayon sa kanila, takot daw di umano ang mga may-ari ng kanilang inuupahan na "maiuwi" nila ang virus mula sa ospital kung saan sila nagtatrabaho.

Nalaman ng KAMI na sa kabila ng hirap at sakripisyong ginagawa nila sa bayan sa paglaban sa COVID-19, nakadagdag pa sa isipin nila ang tinitirahan.

Base rin sa impormasyong nakuha ng Quezon City local government unit, isang doctor ang nakatanggap umano ng eviction letter mula sa landlord nito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Naikuha naman ng naturang lungsod ng pansamantalang matutuluyan ang mga nasa 300 na napalayas na health workers sa isang hotel kung saan may tag-iisa silang silid.

Ito ay upang maibsan ang kanilang mga iniisip gayung kailangang-kailangan sila sa mga ospital at di na sana sila nakaranas pa ng ganitong suliranin.

Samantala, nasa 600 na mga doktor at nurses naman ang tumugon sa panawagan ng Department of Health (DOH) dahil kinakailangan talaga ng mga medical team ngayon sa laban ng bansa laban sa COVID-19 ayon sa ulat ng ABS-CBN news.

Ngayong araw, naitala ang pinakamataas na bilang na nadagdag sa kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa isang araw.

343 ang nadagdag ngayong Marso 29 na siyang bumuo sa bilang na 1,418 ayon sa datos na inilabas ng DOH.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Stay home and watch HumanMeter review of top 10 coolest Pinoy TikTok videos. Let us know in the comments which one you liked the most.

TikTok Top 10: Vanchee and Andre React To Coolest Videos You Can't Miss | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel