Sanggol sa US, binawian ng buhay dahil sa COVID-19

Sanggol sa US, binawian ng buhay dahil sa COVID-19

- Isang sanggol ang pumanaw sa America dahil sa COVID-19

- Bihira lang sa mga maliliit na bata ang namamatay base na rin sa naitalang kaso sa buong mundo

- Ang sanggol na hindi pa umabot ng isang taon ay naiulat na mula sa Chicago at nagpositibo sa COVID-19

- Sa kasalukuyan ang bansang Amerika ang may pinakamataas na naitalang positibong kaso ng COVID-19

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang sanggol na hindi pa umaabot sa isang taong gulang ang naiulat na pumanaw dahil sa COVID-19. Ito ang kauna-unahang kaso ng pagkasawi ng isang sanggol dahil sa Corona virus sa Amerika.

Ayon sa isang news conference, sinabi ni Governor JB Pritzker na kabilang ang sanggol sa pumanaw dahil sa COVID-19. Nagmula siya sa Chicago at nagpositibo sa naturang sakit bago binawian ng buhay.

“There has never before been a death associated with COVID-19 in an infant,” ani Ngozi Ezike, ang direktor ng Department of Public Health.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

“A full investigation is underway to determine the cause of death.”

Inihayag niya rin ang pagkalungkot sa sinapit ng sanggol.

“I know how difficult this news can be, especially about this very young child. It’s especially sorrowful for the family of this very small child, for the years stolen from this infant. We should grieve.”

Kabilang ang sanggol sa 13 naiulat na nasawi sa Illinois.

Sa kasalukuyan, umabot na sa 664,192 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo. 30,888 dito ay nasawi habang 142,364 naman ang gumaling.

POPULAR: Read more Health News here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Kris Bernal shares a message amid the bashing and negative comments regarding her body weight. She also talked about her career, future goals and being an entrepreneur. Check out all of our videos on our KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel