Mayor ng Angeles City, pinagutos ang pagsara ng ospital na tumanggap ng COVID-19 patient mula QC

Mayor ng Angeles City, pinagutos ang pagsara ng ospital na tumanggap ng COVID-19 patient mula QC

- Iniutos ni Angeles City Mayor Carmelo Lazatin Jr na isailalim sa quarantine at ipasara ang isang pribadong ospital sa nasabing lungsod

- Ito ay matapos umanong tumanggap ng COVID-19 patient ang ospital at tatlong PUI na nagmula sa lungsod ng Quezon

- Ang ginawa umano ng ospital ay paglabag sa kanilang kasunduang pawang taga Angeles lamang ang kanilang tatanggapin

- Kasalukuyang binabantayan ng pulis at tanod ang ospital para matiyak na walang makalabas mula sa nasabing ospital

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ipinag-utos ni Angeles City Mayor Carmelo Lazatin Jr ang pagsailalim sa quarantine at pagpapasara ng isang pribadong ospital sa nasabing lungsod matapos ang pagtanggap nito ng COVID-19 patient at PUI mula sa Quezon City.

Sa isang press release nitong Sabado, sinabi ng alkalde na Philippine Rehabilitation Institute Medical Center (PRIMC) ay lumabag sa kasunduan nito sa pamahalaang panlungsod.

Ito ay matapos tumanggap ang nasabing ospital ng COVID-19 patient at tatlong PUI mula sa Quezon City nang hindi nakikipagcoordinate sa local government ng Angeles City.

“PRI has put the entire Angeles City in danger. Pinalusutan nila tayo ng positive patient na hindi taga rito,” aniya.

Matapos mabalitaan ang tungkol sa mga pasyenteng tinanggap ng PRIMC, pinabantayan na sa pulis at tanod ang ospital upang matiyak na walang makalalabas sa ospital.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

“All people inside the PRI will be under quarantine,” dagdag pa ng mayor.

Ipina-utos din niya ang pagtanggal ng business permit ng pribadong ospital.

“The city government will also prepare legal actions against PRI for putting the entire Angeles City in danger. Under my term, hindi na mabubuksan 'yang hospital na 'yan,” ani Lazatin.

Ang Philippine Rehabilitation Institute Medical Center ay matatagpuan sa Arayat Boulevard sa Barangay Pampang, Angeles City, Pampangga.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Kris Bernal shares a message amid the bashing and negative comments regarding her body weight. She also talked about her career, future goals and being an entrepreneur. Check out all of our videos on our KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel