Malaking halaga ng pagkain, nasayang matapos sadyang ubuhan ng 1 babae

Malaking halaga ng pagkain, nasayang matapos sadyang ubuhan ng 1 babae

-Libo-libong halaga ng pagkain ang itinapon ng isang grocery store sa Pennsylvania dahil sa isang biro

-Ayon sa Facebook post ng naturang grocery store, isang babae ang sadyang inubuhan ang kanilang mga paninda na umabot sa mahigit $35,000

-Nangyari ito sa gitna ng banta na dala ng pandemic coronavirus disease

-Agad namang dinala sa ospital ang babae upang isailalim sa COVID-19 test

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see

Libo-libong halaga ng pagkain ang itinapon ng isang grocery store sa Pennsylvania dahil lang sa isang biro.

Ayon sa ulat ng Yahoo News, sinabi ng co-owner ng Gerrity's Supermarket na si Joe Fasula na isang babae ang sadyang inubuhan ang ilang pwesto sa loob nito.

Ayon sa Facebook post ng naturang grocery store, umabot sa mahigit $35,000 ang halaga ng pagkain na kanilang itinapon.

Nangyari ito sa gitna ng banta na dala ng pandemic coronavirus disease.

"While it is always a shame when food is wasted, in these times when so many people are worried about the security of our food supply, it is even more disturbing," ayon kay Fasula.

Iniimbestigahan na rin ng mga awtoridad ang nangyari.

Sabi pa sa ulat, bagamat may palagay sila na isa lamang itong "prank", agad na dinala sa ospital ang babae at sasailalim sa COVID-19 test at mental health evaluation.

Para naman sa seguridad ng kanilang mga customers, siniguro ng Gerrity na agad na nalinis ang mga lugar na pinuntahan ng babae.

"While there is little doubt this woman was doing it as a very twisted prank, we will not take any chances with the health and well-being of our customers," sabi ni Fasula.

Batay sa ulat ng Morning Call, umabot na sa 2,751 ang kaso ng mayroong COVID-19 sa Pennsylvania.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Samantala, sa isang pang ulat ng , nakapagtala naman ng 919 pagkamatay sa Italy sa loob lamang ng 24 oras. Ito at ang USA ang nangunguna sa bilang ng mga may positibong kaso ng coronavirus at nalagpasan na ang China kung saan sinasabing nagsimula ang virus.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

TikTok Top 10: Vanchee and Andre React To Coolest Videos You Can't Miss

Stay home and watch HumanMeter review of top 10 coolest Pinoy TikTok videos. Let us know in the comments which one you liked the most. Check out all our videos on KAMI

Source: Kami.com.ph

Online view pixel