Anak ng lalaking naglakad mula Bulacan patungong Bicol, pumanaw na

Anak ng lalaking naglakad mula Bulacan patungong Bicol, pumanaw na

- Sinikap ng amang si Joven Opeña na makauwi ng Bicol sa kabila ng Luzon lockdown dahil sa COVID-19

- Naging agaw-eksena ang kanyang paglalakbay dahil kinakailangan niyang makauwi para sa anak na ooperahan

- Dahil sa wala nang bumibiyahe bunsod ng enhanced community quarantine, napilitan siyang maglakad

- Mabuti na lamang at may mga taong nagmalasakit sa kanya at napasakay siya hanggang sa makarating siya sa Bicol

- Sa kasamaang palad, hindi rin niya nakita pang buhay ang anak dahil pumanaw din ito isang araw matapos na makarating siya ng Bicol

- Dahil sa patakarang kailangang sumailalim sa 14-day quarantine ang mga galing Bulacan, di rin agad na nakapunta ng ospital si Joven para sa anak

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nakapanlulumo ang dinanas ng amang si Joven Opeña na matapos maglakad mula Maynila patungong Bicol ay di rin niya naabutang buhay ang kanyang anak.

Marso 25 nang maibahagi ni Joven sa kanyang Facebook page ang kanyang pinagdaanan makauwi lamang sa anak na ooperahan sa Bicol.

May sakit raw kasi itong gastroenteritis noong pang Enero ngunit muli na naman itong ibinalik sa ospital para operahan dahilan para naising makauwi ni Joven para sa anak.

Ngunit dahil sa enhanced community quarantine mula pa noond Marso 16, wala nang masakyan si Joven para makauwi.

Para sa anak, hindi siya nagdalawang isip na maglakad makapiling lamang ito.

Mabuti na lamang at may mga mabubuting loob na nagpapasakay sa kanya hanggang sa unti-unti na siyang makarating sa kanyang paroroonan.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Maayos naman siyang nakarating sa Bicol ngunit dahil ang lahat ng galing Maynila ay kiinakailangang sumailalim sa 14 na araw na quarantine, di rin siya nakadiretso sa ospital.

Ang masaklap pa rito, halos isang araw lang mula nang makarating siya sa Bicol, pumanaw na rin ang kanyang anak.

Labis ang hinagpis na naramdaman ni Joven dahil di na niya naabutang buhay pa ang anak.

Sa kabila nito, nagpapasalamat pa rin siya sa lahat ng mga taong naging daan upang makauwi siya sa piling ng anak kahit sa huling sandali.

Nagawa pa niyang magpayo sa mga kapwa niya magulang na hangga't maari ay piliin na lamang na maghanapbuhay sa lugar kung saan kasama ang pamilya.

Narito ang ang kabuuan ng post ni Joven:

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Stay home and watch HumanMeter review of top 10 coolest Pinoy TikTok videos. Let us know in the comments which one you liked the most.

TikTok Top 10: Vanchee and Andre React To Coolest Videos You Can't Miss | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel