Pinay nurse na tinamaan ng COVID-19, gumaling matapos lang ang ilang araw na gamutan

Pinay nurse na tinamaan ng COVID-19, gumaling matapos lang ang ilang araw na gamutan

- Marami ang na-inspire sa Pinay nurse na nagpositibo sa COVID-19 at naka-recover makalipas lamang ang ilang araw

- Nasubaybayan ng KAMI ang pakikipaglaban niya sa virus hanggang sa mapagtagumpayan niya ito

- Sa mga nagdaang video, makikita ang hirap niya sa paghinga na kinailangan pa niya ng oxygen support

- Nagpasalamat din siya sa lahat ng nagdasal para sa kanyang paggaling at sana raw ay patuloy pa rin ang pagdarasal para sa mga pinahihirapan pa rin ng COVID-19

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nagbigay pag-asa sa marami si Arlou Anne Klein Manganti- Marsal, ang Pinay na tinamaan ng COVID-19 dahil makalipas ang ilang araw na gamutan, naka-recover ito.

Sa kanyang Facebook, binahagi niya ang pinagdaanan sa pakikipaglaban sa COVID-19.

Nasubaybayan ito ng KAMI at natuwa nang makitang napagtagumpayan niya ito.

Sa nauna naming nai-ulat, makikitang nahirapang sa paghinga si Anne na kinailangan pa niya ng oxygen support kahit "mild" case ng virus ang kanyang pinagdaanan.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Nakamamanghang ilang araw lamang ng gamutan at pahina, inalis na ang oxygen support sa kanya, hudyat na siya ay gumagaling na.

Dahil dito maari na rin daw siyang makauwi anumang oras matapos na masigurong wala na talaga siyang virus.

Tunay na nakaka-inspire ang pinagdaanan ng Pinay na ito dahil nagpasalamat siya sa lahat ng nagdasal para sa kanyang paggaling.

Hiling din niyang ipagpatuloy ang pagdarasal sa paggaling ng mga patuloy pa ring pinahihirapan ng coronavirus disease 2019 sa buong mundo.

Narito ang kabuuan ng kanyang video:

Samantala, Marso 28 nang maitala ang pinakamaraming bilang ng nagpositibong kaso sa COVID-19 sa Pilipinas.

Umabot ito sa 272 na karadagang kaso sa isang araw lamang na bumuo sa kasalukuyang bilang nito na 1,075.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Stay home and watch HumanMeter review of top 10 coolest Pinoy TikTok videos. Let us know in the comments which one you liked the most.

TikTok Top 10: Vanchee and Andre React To Coolest Videos You Can't Miss | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Online view pixel