Pagiging alisto ng isang frontliner, kinaaliwan ng mga netizens

Pagiging alisto ng isang frontliner, kinaaliwan ng mga netizens

- Marami ang naaliw at natawa sa isang video ng isang frontliner na may kakaibang bilis

- Ito ay nangyari sa isang hospital kung saan biglang umubo ang isang babae habang kausap ang isang frontliner

- Mabilis na nakapag-spray ng disinfectant ang healthworker matapos umubo ng babaeng kausap nito

- Dahil sa bilis niya, tinawag siyang Fastest hand in the West... Visayas Medical Center

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kinaaliwan ang isang video na kuha sa isang ospital sa Western Visayas. Makikitang kausap ng isang healthworker ang isang babae nang bigla itong tila nabahing o umubo. Hindi paman natapos ang babae ay agad na nakapag spray ng disinfectant ang healthworker.

Marami ang naaliw sa pagiging alisto ng healthworker na tinawag na Fastest hand in the West... Visayas Medical Center ng mga netizens.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Samantala, narito ang ilan sa mga komento ng netizens.

Omg natawa ako ditoooo! Minsan lang ako matawa sa mga video sa fb, iba to!
Tinalo si the king..hahaha mabilis kamay..
The Best in the West. Daig pa si Lito Lapid at FPJ sa bilis.
Let's have a little humor amidst Covid19! Only in the Philippines! Fastest decontamination! Corona no more!

Dahil sa tindi ng takot na dulot ng nakamamatay na sakit na COVID-19, marami ang nabahala lalo na at marami na sa mga doktor ang binawian ng buhay. Umabot na sa sampu ang nasawing doktor sa bansa ayon sa Philippine Medical Association.

Maaring nakakatawa ang nasabing video pero nagpapakita lamang ito kung gaano kahirap ang kalagayan ng mga frontliners na araw-araw isinusugal ang kaligtasan, makatulong lamang sa pangangailangang pangkalusugan ng lahat ng mamamayan.

Sa kasalukuyan, umabot na sa mahigit isang libo ang positibong kaso ng COVID-19 sa bansa. Paliwanag ng Kagawaran ng Kalusugan, ito ay dahil na rin sa pagdating ng mga testing kits na ginagamit upang matukoy ang sakit.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Kris Bernal shares a message amid the bashing and negative comments regarding her body weight. She also talked about her career, future goals and being an entrepreneur. Check out all of our videos on our KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel