Hospital staff hinusgahan na may COVID-19, sinabuyan ng bleach

Hospital staff hinusgahan na may COVID-19, sinabuyan ng bleach

- Walang awang sinabuyan ng bleach ang isang medical frontliner dahil sa pag-aakalang mayroon itong bitbit na coronavirus

- Pauwi na galing sa trabaho ang lalaking hospital staff sa Tacurong, Sultan Kudarat nang nangyari ito

- Nasapul ng bleach ang mata ng lalaki na agad namang ginamot sa St. Luis Hospital kung saan din siya nagta-trabaho

- Hindi naman napiligan ng isa ring medical worker sa St. Luis Hospital na i-post sa social media ang tinamo ng kanilang kasamahan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Isang medical frontliner sa Tacurong, Sultan Kudarat ang sinabuyan ng bleach dahil inakalang mayroon itong coronavirus disease.

Ayon sa report ng 24 Oras Weekend ng GMA, pauwi na galing sa trabaho ang lalaking isa umanong staff ng St. Luis Hospital New Isabela Tacurong City nang nangyari ang insidente.

Nasapul naman ng bleach ang mata ng lalaki.

Sa Facebook post naman ni Earl Sunday N. Perez, Cataract Surgery Counselor sa nasabing hospital na siya ring source ng ulat ng GMA News, ibinahagi niya kung paano ginamot sa St. Luis Hospital ang kanilang staff.

“Afterwards, we did the visual acuity assessments and instilled eye drops para ma relief ang eye pain. Pero DONT WORRY ALL IS WELL! The ophthalmologist did the eye procedure and started with anti-inflammatory and antibiotics eye drops. Thank you Doc Van and the ER team for doing the irrigation protocol immediately,” aniya.

Ayon din sa may-ari ng post, “HINDI KAMI ANG VIRUS! HINDI KAMI ANG KALABAN NIYO DIRI!”

Samantala, hindi na ini-report ng biktima ang pangyayari sa pulisya.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa naunang report ng KAMI, isang video ng emosyonal na doktor na ‘di mayakap ang anak dahil sa pangamba sa COVID-19 ang nag-viral.

Ang mga medical staff, kagaya ng lalaking sinabuyan ng bleach, ay tinatawag na COVID-19 frontliners na sinasaluduhan ngayon ng marami dahil sa kanilang tapang at dedikasyon sa panahon ng kasalukuyang krisis.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

KAMI reviewed the 2020 Oscar Best Picture movie "Parasite" to let you know if it is worth checking out! Check out all of the exciting videos and celebrity interviews on our KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel