Video ni Pope Francis habang isinasagawa ang 'Urbi et Orbi', nagbigay pag-asa sa publiko

Video ni Pope Francis habang isinasagawa ang 'Urbi et Orbi', nagbigay pag-asa sa publiko

- Naantig ang puso ng marami nang magsagawa ng 'Urbi et Orbi' si Pope Francis

- Isinagawa niya iton mag-isa sa Saint Peter's Square na kadalasan ay napupuno ng mga dobotong Katoliko

- May kahulugan ang 'Urbi et Orbi' na "to the city and to the world" at ang pagbabasbas na ito ng Santo Papa na isinasagawa lamang dapat tuwing Pasko at Easter Sunday o Pasko ng Pagkabuhay

- Isinagawa ito ng Santo Papa para sa mga naghihirap dala ng coronavirus disease 2019 pandemic na bumabalot ngayon sa buong mundo

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kumurot sa puso di lamang ng mga Katoliko kundi ng buong mundo ang mag-isa halos na pagsasagawa no Pope Francis ng 'Urbi et Orbi' na may kahulugang "to the city and to the world."

Binahagi rin ng Rappler ang video ng Vatican news na nagpapakita sa pagbabasbas ng Santo Papa ngayong Marso 28 na ginanap sa Saint Peter's Square.

Nakaramdam din ng kalungkuta ang mga netizens na nakapanood ng naturang video dahil ang dating napupunong Saint Peter's Square ng mga debotong Katoliko ay walang katao-tao maliban sa Santo Papa at isa pang kasama nito.

Isinasagawa lamang talaga ang 'Urbi et Orbi' tuwing Pasko at Pasko ng pagkabuhay. Ngunit sa tindi ng pinagdaraanan ngayon ng mundo dala ng COVID-19, ginawa ng Santo Papa ang pagbabasbas para lahat.

“We are all in the same ship. We cannot make it alone. Only together. The pandemic is not a judgment from God, but a time for us to judge, to choose what matters and what passes away, a time to separate what is necessary from what is not. It is a time to get our lives back on track,” ang mensahe ng Santo Papa sa kanyang emosyonal na pagbabasbas.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tila lumuluha raw ang kalangitan habang isinasagawa pa ni Pope Francis ang pagbabasbas dahil sa pag-ulang nagaganap.

Base sa worldometer, 621,090 ang kumpiramdong bilang ng mga tinamaan ng COVID-19 sa buong mundo. 28,662 naman na ang buhay na kinitil ng virus at 137,363 naman ang mga naka-recover.

Sa datos na binahagi ng New York Times, nanguna na ang USA sa may pinakamaraming bilang ng kaso ng COVID-19. Sinundan naman ito ng Italy at pumangatlo na lang ang bansang pinaniniwalaang pinagmulan nito, ang China.

Sa Pilipinas, naitala ngayong araw na ito ang pinakamaraming nadagdag na nagpositibo sa COVID-19. 272 ang nakumpirmang kaso ngayong Marso 28 kaya umabot na ito sa kabuuang bilang na 1,075 ayon sa Department of Health.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Stay home and watch HumanMeter review of top 10 coolest Pinoy TikTok videos. Let us know in the comments which one you liked the most.

TikTok Top 10: Vanchee and Andre React To Coolest Videos You Can't Miss | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Online view pixel