Lola sa Bulacan na nilagpasan ng namimigay ng relief, emosyonal pa rin

Lola sa Bulacan na nilagpasan ng namimigay ng relief, emosyonal pa rin

-Emosyonal pa rin ang matandang babae na nakuhanang umiiyak at nanginginig dahil hindi nakatanggap ng relief goods sa Bulacan

-Sa isang panayam dito ng GMA News, naiiyak pa rin ang matandang babae nang tanungin ito tungkol sa video

-Sabi naman ng anak nito, hindi raw sila nakasama sa nabigyan ng relief goods dahil wala umano silang food stub mula sa lokal na gobyerno ng San Jose Del Monte

-Nagpaunlak din ng panayam ang kapitan at mayor ng lugar ukol sa insidente

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Emosyonal pa rin ang matandang babae na nakuhanang umiiyak at nanginginig dahil hindi nakatanggap ng relief goods sa San Jose Del Monte, Bulacan.

Sa isang panayam dito ng GMA News, naiyak pa rin ito nang tanungin ito tungkol sa nangyari.

"Umiiyak ako, umiiyak ako kasi wala po akong relief. 'Yun lang po," sabi nito.

Maging ang anak nito ay hindi rin napigilang maglabas ng sama ng loob. Siya lang daw kasi ang may trabaho sa pamilya at kasalukuyan ay apektado ang kanyang hanapbuhay dahil sa lockdown.

Anito, wala raw kasi silang food stub mula sa lokal na gobyerno na ikinasama ng loob nito, kaya hindi sila nakasama sa nabigyan ng relief goods.

Matatandaang mabilis na nag-viral sa social media ang video ni lola at umabot sa libo-libong shares.

Sa video, makikitang naiyak ang matanda nang hindi makatanggap ng relief goods habang nilagpasan pa ito ng grupo ng namimigay. Maya-maya ay bumalik ang isa sa mga ito at inabutan si lola.

Matapos nito, dumagsa naman ang tulong para rito mula sa mga taong naantig ang puso sa nangyari kay lola.

Nagpapasalamat din ang matandang babae sa mga may mabubuting loob na nagpaabot ng tulong para sa kanya.

Samantala, nagpaunlak din ng panayam ang kapitan at alkalde ng lugar.

Ayon kay Barangay Chairman Rolando Manuel, mayroon daw ibinigay na food stub sa anak ng matanda.

Maaari raw na naapektuhan ang pag-iisip ni lola nang ma-stroke ito noon.

Giit pa ni kap, hindi totoo na hindi nila tinutulungan ang kanilang mga taga-barangay at humingi ng paumanhin sa nangyari.

Inamin naman ni Mayor Arthur Robes na mayroon nga silang ipinamimigay na food stub sa kanilang mga mamamayan. Ito raw ay para maunang mabigyan ng tulong ang pinakamahihirap sa mga ito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Dahil sa banta ng coronavirus, nasa ilalim ng lockdown ang karamihan sa lugar sa Pilipinas.

Dahil din dito, maraming pamilya ang apektado ang pamumuhay lalo pa at marami ang hindi nakakapaghanapbuhay.

Sa isa pang report ng KAMI, hinahanap ng Kapuso actress na si Heart Evangelista ang matandang lalaki na pilit na nagtitinda ng kandila kahit na lockdown sa kanilang lugar.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

TikTok Top 10: Vanchee and Andre React To Coolest Videos You Can't Miss

Stay home and watch HumanMeter review of top 10 coolest Pinoy TikTok videos. Let us know in the comments which one you liked the most. Check out all our videos on KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel