Babaeng nanghingi ng gatas online, umani ng samu't-saring reaksiyon

Babaeng nanghingi ng gatas online, umani ng samu't-saring reaksiyon

- Ibinhagi ng isang netizen ang kanyang karanasan sa isang ina na humingi ng tulong dahil wala nang gatas umano ang kanyang anak

- Kinagulantang niya na mamahaling gatas pala ang hinahanap ng babaeng hindi niya pinangalanan

- Katwiran nito, hindi hiyang ang kanyang anak sa ibang gatas kaya iyon ang hinahanap niyang gatas

- Naging hati ang opinyon ng netizens sa reaksiyon ng inang nanghihingi ng tulong

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa kahirapan ng buhay ngayon lalo at marami ang apektado sa ipinapatupad na community quarantine, marami ang nanghihingi ng tulong sa pamamagitan ng social media.

Isang Facebook user na nagngangalang Juliet Lapada ang nagbahagi ng naging pag-uusap sa pagitan niya at isang babaeng kanyang piniling huwag ipaaalam ang pagkakakilanlan.

Ayon kay Lapada, bilang isang ina, naawa siya sa mga batang walang gatas sa ganitong panahon. Kaya naman minabuti niyang kausapin ang isang inang nanghingi ng tulong.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ikinagulat lamang niyang mamahaling gatas pala ang hinihingi ng babae. Gayunpaman, katwiran niya, ito ay sa kadahilanang hindi hiyang ang kanyang anak sa ibang gatas. Naunawaan naman ito ng ibang netizens.

Mga mom' minsan po kasi mahirap palitan agad agad ang gatas ng Bata .. my posibilidad po na magtae at masayang lang Ang gatas ... Pero Mali talaga na magsabi pa Kung ilan kg ang gusto niya .. sana magpasalamat Kung Anu Kaya ibigay.. Mali lang yung way niya NG pagkakachat .
Siguro yung mali nung girl eh nagsabi pa sya kung ilang kilo ng pediasute ang bet nya, pero tama lang din naman na di nya tinanggap kasi di naman magagamit ni baby niya. Baka nagbabakasakali lang siya na meron magbigay Ng hinahanap niya na gatas. Di naman sa pagiging demanding siguro. Panget lang din na gumamit siya ng word na ‘bonakid lang’. Di lang siguro kayo nagkaintindihan. Di naman siguro siya nag iinarte talaga nagkataon lang na yun talaga ang gatas ng anak niya. Wag nalang din sana siya gagamit ng word na ‘lang’ para di din mapipikon yung kausap niya.

Sa kasunod na post na ibinahagi ni Lapada, may nagmagandang loob na magbigay ng brand ng mamahaling gatas na hinahanap ng babae. Gayunpaman, tinanggihan niya ito uli dahil sa iba ang flavor nito sa nagustuhan ng anak niya.

Sadya nga namang marami ang apektado ng ipinapatupad na enhanced community quarantine ngayon sa iba't-ibang panig ng bansa. Marami kasi ang nawalan ng trabaho at pagkakakitaan lalo at bawal lumabas ng bahay.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Kris Bernal shares a message amid the bashing and negative comments regarding her body weight. She also talked about her career, future goals and being an entrepreneur. Check out all of our videos on our KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel