COVID-19: Italy, nakapagtala ng 919 pagkamatay sa loob lang ng 24 oras

COVID-19: Italy, nakapagtala ng 919 pagkamatay sa loob lang ng 24 oras

-Nakapagtala ng 919 na pagkamatay dahil sa coronavirus ang Italy noong Marso 27 sa loob lamang ng 24 oras

-Pinakamataas na ito mula nang magsimulang kumalat ang pandemic disease sa lugar

-Dahil dito, umakyat na sa 9,134 ang nasawi rito dahil sa COVID-19 at mayroong 86,498 positive cases

-Nalapagpasan na rin nito ang China kung saan sinasabing nagsimula ang virus

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nakapagtala ng 919 na pagkamatay sa loob lamang ng 24 oras dahil sa coronavirus ang Italy noong Marso 27, ayon sa pinakahuling update.

Nalagpasan na nito ang pinakamataas na bilang na naitala noong Marso 21 kung saan mayroong 793 tao ang nasawi roon.

Ito na umano ang pinakamataas na bilang ng pagkamatay na naitala nang magsimulang kumalat ang pandemic disease sa lugar, ayon sa ulat ng Mail Online at Reuters.

Sa kasalukuyan ay umakyat na sa 10,023 ang total deaths sa Italy at nalagpasan na ang bilang ng namatay sa China na mayroong 3,295 nasawi at kung saan sinasabing nagsimula ang virus.

Samantala, mayroon namang 12,384 ang naka-recover na mula sa sakit habang mayroong 3,856 na kritikal pa rin ang lagay.

Bukod sa Italy, nalagpasan na rin ng Amerika ang bilang ng positibong kaso na naitala ng China. Sa kasalukuyan ay umabot na sa 119,682 ang nagpositibo sa coronavirus doon at mayroon nang 1,988 na nasawi.

Sa Pilipinas, umabot na sa 1,075 ang positibo sa COVID-19 matapos makapagtala ng 272 panibagong kaso nito ngayong araw, batay sa huling update ng Department of Health.

Nakakalungkot din na mayroon nang 68 na nasawi sa bansa dahil sa virus.

Habang 35 naman ang naka-recover na rito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Samantala, isang TV channel sa Italy ang naglabas ng isang "rare footage" tungkol sa nangyayari sa mga pasyenteng may coronavirus sa ICU, na una nang naiulat ng KAMI.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

TikTok Top 10: Vanchee and Andre React To Coolest Videos You Can't Miss

Stay home and watch HumanMeter review of top 10 coolest Pinoy TikTok videos. Let us know in the comments which one you liked the most. Check out all our videos on KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel