Sa isang araw lang: Bilang ng mga namatay sa Italy dahil sa COVID-19, umabot na sa 919

Sa isang araw lang: Bilang ng mga namatay sa Italy dahil sa COVID-19, umabot na sa 919

- Halos isang libo ang namatay sa Italy sa isang araw lamang dahil sa COVID-19

- Base sa huling bilang ng pumanaw, 919 ang naitala nitong Biyernes Marso 27

- Umabot na sa 9,134 ang kabuuang bilang ng mga sumakabilang buhay sa Italy at 86,498 ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso sa naturang bansa

- Pumangalawa na sila sa USA na umabot na sa 104,256 ang kaso ng COVID-19 sa kanilang bansa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nakapanlulumong umabot na sa 919 ang mga namatay sa Italy sa loob lamang ng isang araw.

Ayon sa Forbes, naitala ng Civil Protection Agency ng naturang bansa ang bilang na halos umabot na sa isang libo nito lamang Biyernes, Marso 27.

Base sa ulat ng Reuters, nasabing ito raw ang "worst day yet in the country" dahil sa dami ng tuluyan nang nilamon ng nakamamatay na virus.

Kinumpirma naman ni Silvio Brusaferro, head ng national health institute sa Italy na umabot na sa 9,134 ang kabuuang bilang ng mga namatay sa kanilang bansa.

Nalaman ng KAMI na pangalawa na ang Italy may pinakamaraming bilang ng tinamaan ng COVID-19 sa buong mundo.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Base sa datos ng worldometer, nanguna na ang USA na mayroong 104,256 confirmed cases ng COVID-19. Sumunod ang Italy na mayroong 86,498 at pangatlo na lamang sa bilang ang China na mayroong 81,394.

Samantala, dito sa Pilipinas, umabot na sa 1,075 ang kabuuang bilang ng mga nagpositibo sa coronavirus disease 2019.

Ito ay matapos na maitala ng Department of Health ang pinakamataas ng bilang na 272 na mga nagpositibo sa isinagawang test.

14 naman ang nadagdag sa bilang ng mga pumanaw sa bansa at apat naman ang dumagdag sa mga naka-recover.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Stay home and watch HumanMeter review of top 10 coolest Pinoy TikTok videos. Let us know in the comments which one you liked the most.

TikTok Top 10: Vanchee and Andre React To Coolest Videos You Can't Miss | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Online view pixel