Ice Seguerra, emosyonal na dinetalye ang matinding sakit ng kanyang ama

Ice Seguerra, emosyonal na dinetalye ang matinding sakit ng kanyang ama

- Nag-viral sa social media ang post ni Ice Seguerra ukol sa kalagayan ng kanyang ama

- Kwinento ng singer na may cancer ang kanyang tatay na lagpas 70 years old na

- Sa simula ay prostate cancer ang diagnosis ngunit kumalat na ito pati sa ilang bahagi ng kanyang buto

- Ang problema pa ay hindi na mabisita ni Ice ang kanyang pamilya dahil sa lockdown sa Luzon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nag-post si Ice Seguerra sa kanyang social media account ukol sa kalagayan ng kanyang ama.

Ayon sa singer-songwriter, may cancer ang kanyang tatay na lagpas 70 years old na. Sa simula ay prostate cancer ang diagnosis ngunit kumalat na ito pati sa ilang bahagi ng kanyang buto.

Nagpasalamat na lang si Ice na natapos ang treatment ng kanyang tatay bago magsimula ang enhanced community quarantine sa Pilipinas.

Ang problema ay hindi na mabisita ni Ice ang kanyang pamilya dahil sa nasabing lockdown.

Pinuri rin ni Ice ang kanyang kapatid na lalake dahil sa pag-aalaga nito sa kanilang mga magulang.

“Missing these 3 so much. Last time ko sila nakita was before I left for the states nung March 3. Pagbalik ko quarantine na. Dahil lampas 70 na rin sina mama and daddy, I dont want to risk it.

“Sa mga hindi po nakakaalam, may cancer si daddy. Nagsimula sa prostate kaso nag metastasize sa ibang parts ng bone niya. Okay naman siya. Katatapos lang ng radiation treatment. Naisip ko nga, buti na lang natapos namin yung treatment bago nangyari ang lahat. I'm thinking of my dad's ‘classmates’ sa radiology dept ng St. Luke's. Marami sa kanila, pasimula pa lang. I can't imagine what they're going through right now.

“Nagkaroon kami ng family meeting nun sa bahay. Of course, dahil open forum, nagkalabasan nang mga sama ng loob. Masama loob nila sa akin coz I rarely visit. At aminado ako dun. So I changed my ways. I made sure na Im always in contact with them. Labas kami once or twice a week. Malling lang or kakain sa labas tapos kwentuhan. Simple pero masaya. Mas nagkaroon ako ng appreciation sa bawat isa sa kanila, mas naiintindihan ko kapag nagtatampo sila sa akin and I make sure na hindi ko papalampasin yun.

“My dad's sickness brought us all closer, I think. I get to hug my mama more, mas nakakapagusap na kami ni daddy tungkol sa mga bagay na dati hindi namin mapagusapan. So yeah, may cancer siya but I think blessing pa rin yun kasi it gave us the gift of appreciating every single day that we get to spend together, every hug, every tawanan, the conversations and most of all ang makahingi ng tawad at makapagpatawad. Now, I can say (at least on my end) that there are no words left unsaid and no deeds left undone.

“Isa rin sa hindi matatawarang blessing sa buhay ko ay ang kapatid ko. He's become the man of the house, in every sense of the word. May katuwang ako kina mama and daddy. Hindi lang sa pagaalaga but financially din. Siguro kung wala kapatid ko, nabaliw na ako pero dahil nandiyan siya, teamwork kami. Sobrang swerte ko sa kapatid ko. Responasable, he takes care of the family, and he loves us to death.

“Mama, daddy, bro... Kain tayo pagtapos nito. Sa kahit saan ninyo gusto. Miss ko na kayo,” ibinahagi ni Ice.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa nakaraang report ng KAMI, nag-kwento naman si Ice ukol sa kanyang mental health.

Si Ice Seguerra ay pumasok sa showbiz sa pamamagitan ng noontime variety program na “Eat Bulaga.” Ikinasal naman siya kay Liza Diño noong Disyembre 8, 2014 sa California, USA.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

KAMI talked to actress Kris Bernal and she gave us a meaningful message that is especially relevant these days! Check out all of the exciting videos and celebrity interviews on our KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel