Heart Evangelista, hinahanap ang lolong nagtitinda kahit lockdown

Heart Evangelista, hinahanap ang lolong nagtitinda kahit lockdown

-Hinahanap ni Heart Evangelista ang isang matandang lalaki na nag-viral sa social media dahil sa sitwasyon nito

-Sa isang tweet, ibinahagi ng netizen na si @maelenacborres ang larawan ng matandang lalaki na ayon dito ay nagtitinda ng kandila at patuloy na nagtitinda kahit na nasa ilalim ng lockdown ang lugar

-Maraming netizens ang naantig ang damdamin sa viral post na ito

-Agad naman itong ni-retweet ng Kapuso actress

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Hinahanap ni Heart Evangelista ang isang matandang lalaki na nag-viral sa social media dahil sa sitwasyon nito habang nasa ilalim ng lockdown ang kanilang lugar.

Sa isang tweet, ibinahagi ng netizen na si @maelenacborres ang larawan ng matandang lalaki na ayon dito ay nagtitinda ng kandila at patuloy na kumakayod sa kabila ng lagay nito.

Makikita sa mga larawang ibinahagi ng netizen na nakaupo sa isang wheelchair ang matandang lalaki at nakapwesto sa tapat ng isang simbahan sa Roxas City sa Capiz.

Naka-general quarantine ang Capiz dahil sa banta ng coronavirus.

Sa tweet ni @maelenacborres ay tinag nito ang Kapuso actress upang humingi ng tulong.

"@heart021485

Ate! Please help lolo vendor sya. Nagtitinda pa din cya ng kandila kahit wala ng nagsisimba at wala ng katao tao at close na yung simbahan. Kung hindi daw sya magtitinda paano cya makakain at makabili ng gamot nya! Hoping ma notice nyo. "

Maraming netizens ang naantig ang damdamin sa viral post na ito.

Agad naman itong ni-retweet ng Kapuso actress at umani ng mga papuri mula sa mga netizens.

"Heart, napaka buti mong tao. Loudly crying face This world needs more of you Red heart Iba ka."

"sobrang bait mo na tao ate God bless you po Loudly crying faceRed heart."

"nasa roxas capiz yan ate heart.. araw araw nasa labas ng simbahan nag titinda ng kandila."

"Heart is on the way."

"Thanks for your big hope someone can tell you where he is."

Si Heart Evangelista o Love Marie Ongpauco sa tunay na buhay ay isa sa mga sikat na aktres at vlogger sa bansa. Kilala siya bilang isang icon at tinitingala ng marami pagdating sa fashion. Kinasal ang aktres sa dating senador at ngayon ay gobernador ng Sorsogon na si Chiz Escudero.

Sa isa pang report ng KAMI, nag-sorry si Heart sa publiko matapos ang kanyang controversial tweet tungkol sa isang cancer patient.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

The Funniest TikTok Videos: Andre Reacts

TikTok is taking over the world. If you haven't joined this beautiful platform yet, but want to take a look at hilarious videos, this video is for you! Check out all our videos on KAMI

Source: Kami.com.ph

Online view pixel