Buntis na may COVID-19, emosyonal na nakiusap sa publiko na manatili na lamang sa bahay

Buntis na may COVID-19, emosyonal na nakiusap sa publiko na manatili na lamang sa bahay

- Viral ang video ng isang buntis na tinamaan ng COVID-19 sa United Kingdom

- Di nito mapigilang maluha dahil sa kanyang kalagayan

- Bukod kasi sa pinagbubutis niya, mayroon pa siyang tatlong anak na naiwan sa kanyang mister

- Pakiusap niya sa publiko, huwag nang lumabas kung di naman kailangan at manatili na lamang sa kani-kanilang mga bahay

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Hindi napigilang maging emosyonal ng isang 39-anyos na buntis na tinamaan ng coronavirus disease 2019 o COVID-19.

Binahagi ng Facebook page na Daily Mail Try Not To Cry ang video kung saan makikita ang babaeng naka-oxygen habang hirap na nagsasabi ng kanyang saloobin.

"I'm fighting for me and my baby..." pahayag ng COVID-19 patient na ito mula sa United Kingdom.

Lalo siyang naging emosyonal nang sabihing may tatlo pa siyang mga anak na naiwan kasama ng kanyang mister sa kanilang bahay.

Hindi pa raw niya muli nakikita ang mga ito mula nang malagak siya sa ospital.

Dalawang linggo na siyang may sakit. Mayroon na siyang pneumonia na isa sa mga naidudulot ng kitatakutang virus ng buong mundo.

Wala raw siyang ideya kung saan niya ito nakuha.

Kaya naman ang pakiusap niya, huwag nang lumabas kung hindi naman kailangan.

"I am telling you now, if you are going to meet your friends for a stupid beer or for a walk because the weather is nice, you are going to take this home and you are going to kill someone," paliwanag niya.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Hindi nalalayo ang kalagayan ng buntis na ito sa Pinay nurse na nakikipaglaban din sa COVID-19 na una nang naiulat ng KAMI.

Samantala, maging ang Prime Minister ng United Kingdom na si Boris Johnsonay nag-positibo rin sa COVID-19.

Sa kanya mismong Twitter account, pinahayag niya na mayroon siyang mild symptoms ng COVID-19 kaya naman siya'y naka-home quarantine na. Hindi naman daw ito makakapigil sa kanya sa laban ng kanilang gobyerno sa virus na ito.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Stay home and watch HumanMeter review of top 10 coolest Pinoy TikTok videos. Let us know in the comments which one you liked the most.

TikTok Top 10: Vanchee and Andre React To Coolest Videos You Can't Miss | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel