Lumalaban! Pinay nurse na tinamaan ng COVID-19, bumubuti na raw ang kalagayan

Lumalaban! Pinay nurse na tinamaan ng COVID-19, bumubuti na raw ang kalagayan

- Muling nagbahagi ng video ang Pinay nurse na tinamaan ng COVID-19

- Makikita ang kanyang katapangan sapagkat nakakangiti na siya sa kabila ng hirap na kanyang dinaranas

- Pinakita rin niya ang mga gamot na binigay sa kanya upang mapalakas ang katawan laban sa virus

- Nagpasalamat din siya sa lahat ng mga taong kilala man niya o hindi ay patuloy na nagdarasal para sa kanyang paggaling

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Lumalaban ang Pinay nurse na si Arlou Anne Klein Manganti-Marsal kung saan nagbahagi muli siya ng ng video na nagpapakita ng kalagayan sa ospital ilang araw matapos na makumpirma niyang positibo siya sa COVID-19.

Bakas man sa mukha ni Anne ang hirap ng kanyang kalagayan, nakukuha na niya ngayong ngumiti kahit na papaano.

Kumpara sa kanyang naunang video, kung saan kasasabi lamang daw sa kanya noon ng kanyang doktor na tinamaan siya ng virus, makikitang mas masigla na siya at kapansin-pansin ang kanyang pagpapakatatag.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ikatlong araw na niya sa ospital at nasabi niyang bumubuti na ang kanyang kalagayan.

Pinakita rin niya ang mga gamot na binigay sa kanya sa kanyang pagpapagaling.

Nagpasalamat din si Anne sa lahat ng mga patuloy na nagdarasal para sa kanyang paggaling at sa paggaling din ng ibang tulad niyang nagkaroon ng COVID-19 .

Naluluha rin siyang nagsambit ng mensahe para sa kapwa niya tinamaan ng COVID-19.

Narito ang kabuuan ng video ni Anne na nagbigay pag-asa at inspirasyon sa marami:

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Stay home and watch HumanMeter review of the Top 10 Coolest Pinoy TikTok videos. Let us know in the comments which one you liked the most.

TikTok Top 10: Vanchee and Andre React To Coolest Videos You Can't Miss | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Online view pixel