90 anyos na lola, emosyonal nang muling mayakap ang pamilya matapos gumaling sa COVID-19

90 anyos na lola, emosyonal nang muling mayakap ang pamilya matapos gumaling sa COVID-19

- Isang 90 anyos na lola ang gumaling na matapos magkaroon ng coronavirus disease (COVID-19)

- Matapos niyang gumaling sa stroke ay nalabanan na rin niya ang coronavirus

- Bago pa man mawalan ng malay ang senior citizen ay nangako na siyang lalaban siya at magpapagaling

- Muntikan na siyang mag-agaw buhay dahil sa coronavirus na tinamaan ang lungs niya

- Subalit, naging matagumpay pa rin ang kanyang laban kontro sa COVID-19

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang 90 anyos na lola sa Washington ang nagtagumpay at gumaling mula sa coronavirus disease (COVID-19).

Nalaman ng KAMI na gumaling na sa sakit ang lola na si Geneva Wood noong ika-22 ng Marso.

Ayon sa ulat ng Fox 5 (isinulat ni Austin Williams), isinugod na si lola sa ospital noong Enero matapos niyang ma-stroke.

Subalit, matapos niyang gumaling dito, na-ospital muli siya noong Pebrero dahil nagkalagnat siya. Nang siya ay malipat sa Harborview Medical Center, nakumpirmang positibo na siya sa COVID-19.

Sabi sa ulat ng Metro UK (isinulat ni Jimmy McCloskey), bago mawalan ng malay si Geneva ay nangako siya sa kanyang anak na si Cami na lalabanan niya ang coronavirus.

“I’m going to fight this for my family and make everyone proud,” sabi ng lola.

Siya ay nilagyan na ng oxygen tank at muntikan nang bawian ng buhay nang atakihin ng coronavirus ang lungs niya at nagkaroon siya ng severe pneumonia.

Sa Facebook post naman ng kanyang anak na si Cami, makikitang naging emosyonal si Lola Geneva nang muling makasama at mayakap niya ang kanyang pamilya matapos gumaling sa COVID-19.

“She's clear and accepting hugs!” sabi ni Cami.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Samantala, naantig naman ang puso ng mga netizens sa muling pagsasama ng pamilya nila. Narito nga ang kanilang mga komento sa Facebook post:

“Best pictures I've seen in a long time”
“Oh my goodness, these are just beautiful. Much love to you all”
“Love it! Brought tears to my eyes!! SO happy you all get that touch!!”
“Omg. That gave me tears. Amazing.”
“I bet she’s happy to see, and have visitors. So glad she’s doing so well! Hope she continues to improve!”

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

KAMI talked to actress Kris Bernal and she gave us a meaningful message that is especially relevant these days! Check out all of the exciting videos and celebrity interviews on our KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel