Isang taong gulang na sanggol, pinakaunang kaso ng COVID-19 sa Oriental Mindoro

Isang taong gulang na sanggol, pinakaunang kaso ng COVID-19 sa Oriental Mindoro

- Isang taong gulang na sanggol ang naitalang pinakaunang kaso ng COVID-19 sa Oriental Mindoro

- May travel history ito sa Alabang, Muntinlupa City noong Marso 5 hanggang Marso 12

- Nakunan na rin ng samples ang nagsisilbing guardian ng bata

- Nagsasagawa na rin ng contact tracing sa mga posibleng nakalapit sa sanggol

- Ang sanggol din ang pinakabatang naitalang tinamaan ng COVID-19 sa bansa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang sanggol ang pinakaunang kaso ng coronavirus disease o COVID-19 sa Oriental Mindoro.

Kinumpirma ito ng kanilang gobernador na si Humerlito "Bonz' Dolor sa kanyang Facebook page ngayong Marso 27.

Habang ang pito ang nag-negatibo sa isinagawang testing sa kanilang lalawigan.

Base sa datos na binigay ng gobernador, isang taon at siyam na buwan na ang bata na may travel history sa Alabang, Muntinlupa City noong Marso 5 hanggang Marso 12.

Kasalukuyang nasa Barangay Bulusan ang bata at kanyang guardian na agad na ring isinailalim sa testing.

Nagsasagawa na rin ng contact tracing sa mga posibleng nakalapit sa bata.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Mahigpit na naka-home quarantine na rin ang mga guardians nito para na rin sa kapakanan nila at nang kanilang mga kababayan.

Dahil sanggol pa ang tinamaan ng kinatatakutang virus, nais na ipakumpirma ito ng gobernador kaya naman sasailalim muli ang specimen ng baby sa isang confirmatory test.

Ang sanggol din na ito ang pinakabatang naitalang may COVID-19 sa buong bansa.

Labis na nadurog ang puso ng mga netizens sa sinapit ng sanggol lalo pa at tulad ng mga ibang pasyente na nasa hustong edad na, hindi maaring samahan ng sinumang magulang at kamag-anak ang baby habang nagpapagaling ito sa virus.

Hangad ng marami na maka-recover din ang baby sa lalong madaling panahon.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Stay home and watch HumanMeter review of the Top 10 Coolest Pinoy TikTok videos. Let us know in the comments which one you liked the most.

TikTok Top 10: Vanchee and Andre React To Coolest Videos You Can't Miss | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel