Ilang mga Pinoy, patuloy ang pagdarasal sa labas ng Quiapo church ngayong may COVID-19

Ilang mga Pinoy, patuloy ang pagdarasal sa labas ng Quiapo church ngayong may COVID-19

- Ilang mga Pinoy na Katoliko ang patuloy ang pagdadasal ngayong may banta ng coronavirus disease (COVID-19) sa Pilipinas

- Kahit na pansamantalang isinara ang Quiapo church ay nagdadasal pa rin ang mga tao sa labas nito

- Maging ang mga netizens ay nakiisa rin sa pagdadasal upang matapos na ang krisis sa bansa

- Sa ngayon, nasa 707 na ang kaso ng COVID-19 na naitala ng Department of Health (DOH)

- Samantala, nasa halos 532,000 naman ang kaso ng coronavirus disease sa buong mundo

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ilang mga Katoliko ang nakitang patuloy ang pagdarasal sa Quiapo church ngayong laganap ang coronavirus disease (COVID-19) sa Pilipinas.

Nalaman ng KAMI na kahit na sarado ang Quiapo church sa Maynila, nagdarasal pa rin ang ilang Pinoy sa labas nito.

Makikita sa litratong ibinahagi ng ABS-CBN News na ang isang nakasuot pa ng pang-militar ang tumigil sa gilid ng simbahan para lang magdasal habang sakay ng motorsiklo niya.

Samantala, ang iba naman ay nakatayo pa sa tapat ng gate ng simbahan upang mag-alay ng kanilang dasal kahit sandali. Ang isa pa nga ay gamit ang kanyang bisikleta papunta sa simbahan.

Maging ang mga netizens ay nakiisa rin sa pagdadasal ngayong patuloy ang pagdami ng kaso ng COVID-19 sa bansa. Narito nga ang ilang mga komento nila sa Facebook post:

“Lord Jesus keep my family and the entire world safe from the corona virus. Amen.”
“Pray for Us. Heal our Land Amen”
“pray for the Philippines”
“Lord, heal the world. We need you.”
“A Big thank you All frontliners”

Ayon sa Department of Health (DOH), nasa 707 na ang kaso ng COVID-19 sa Pilipinas nitong ika-26 ng Marso. Samantala, nasa 28 naman na pasyente ang gumaling na mula sa sakit na ito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ang coronavirus disease o COVID-19 ay naunang naitala sa Wuhan, China. Kasalukuyang nasa halos 532,000 na ang kaso nito sa buong mundo at nasa 24,073 naman ang pumanaw na dahil dito.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

KAMI talked to actress Kris Bernal and she gave us a meaningful message that is especially relevant these days! Check out all of the exciting videos and celebrity interviews on our KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel