Ganda niya! San Manuel, Tarlac Mayor Donya Tesoro, viral sa socmed

Ganda niya! San Manuel, Tarlac Mayor Donya Tesoro, viral sa socmed

-Viral sa social media ang batang-bata at magandang alkalde ng San Manuel, Tarlac na si Mayor Donya Tesoro

-Ilang netizens ang talagang napahanga sa angking ganda nito

-May ilang netizens pa nga ang nagsabi na tila bagay daw ito sa isa pang mayor na viral din ngayon na si Pasig Mayor Vico Sotto

-Ngunit hindi lang ang kanyang panlabas na kagandahan ang hinahangaan online dahil aktibo rin sa public service ang 28-anyos na alkalde

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see

Viral ngayon ang maganda at batang-batang alkalde ng San Manuel, Tarlac na si Mayor Donya Tesoro.

May ilan pa ngang netizens ang nagsabi na tila bagay daw ito sa isa pang viral mayor na si Pasig Mayor Vico Sotto.

Ngunit hindi lang ang kanyang panlabas na kagandahan ang hinahangaan online dahil aktibo rin sa public service ang 28-anyos na alkalde.

At ibinabahagi niya ito sa kanyang mga followers at nasasakupan sa pamamagitan ng social media.

Sa isang panayam ng CNN Philippines, sinabi nitong malaking impluwensiya sa kanyang pagpasok sa politika ang kanyang ama na si Benjamin “Bening” Tesoro na siya ngayong Vice Mayor ng San Manuel.

Aminado naman si Mayor Tesoro na hindi naging madali para sa kanya noong una ang pagpasok sa politika.

"At first I really got discriminated for being too young… for being a female politician…" anito.

"Politicians in the province think that women are weak, too emotional, and can’t contribute a lot to society," dagdag pa nito.

Samantala, napag-alaman ng KAMI na nagtapos sa kursong Communications sa Miriam College si Mayor Tesoro at ninais daw na maging isang journalist.

Sa isang report ng PhilNews, sinabi ni Mayor Tesoro sa isang interview na isang malaking factor sa kanyang pagkapanalo ay ang social media.

Bago ito naging alkalde ay naging councilor at vice mayor muna si Mayor Tesoro.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

The Funniest TikTok Videos: Andre Reacts

TikTok is taking over the world. If you haven't joined this beautiful platform yet, but want to take a look at hilarious videos, this video is for you! Check out all our videos on KAMI

Source: Kami.com.ph

Online view pixel