Dahil kapos sa PPEs! Trash bags, ginagamit sa ospital sa NY

Dahil kapos sa PPEs! Trash bags, ginagamit sa ospital sa NY

- Dahil sa kakulangan ng supply ng ilang medical supplies kabilang na ng mga medical gear, gumamit na ng trash bags ang ilang health care workers sa isang ospital sa Manhattan

- Sa isang social media post, makikita ang tatlong nurse sa Mount Sinai Hospital na suot ang mga trash bags bilang proteksyon sa coronavirus

- Dahil dito, isinisisi ng ilang kasamahan ng assistant nurse sa naturang ospital ang pagkamatay nito dahil sa COVID-19

- Sa USA, may naitalang mahigit 80,000 kaso ng virus, nakapagtala na rin dito ng 1,163 na pagkamatay dahil sa pandemic disease

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Dahil sa kakulangan ng supply ng ilang medical supplies kabilang na ng mga medical gear, gumamit na ng trash bags ang ilang healthcare workers sa isang ospital sa Manhattan, New York.

Sa pamamagitan ng social media, ibinahagi ang kalunos-lunos na lagay ng mga health workers doon kung saan makikita ang tatlong nurse sa Mount Sinai Hospital na suot ang mga trash bags bilang proteksyon sa coronavirus disease.

Isinisisi naman ng ilang kasamahan ng nasawing assistant nursing manager sa naturang ospital na si Kious Kelly, ang pagkamatay nito dahil sa virus.

Nasawi ang 48-anyos na nurse noong Martes, halos dalawang linggo pagkatapos nitong malaman na mayroon siyang COVID-19, ayon sa ulat ng Business Insider.

“Kious didn’t deserve this,” sabi ng isang nurse.

“He told me he had the coronavirus,” sabi naman ng kapatid ni Kious, na nagkumpirma ng pagkasawi nito. “He was in ICU but he thought he was OK. He didn’t think it was serious as it was.”

Sabi pa ng isang nurse, isang taon nang problema ng ospital ang kakulangan ng supplies at mas lalo pang lumala ang sitwasyon nang magsimulang kumalat ang pandemic coronavirus disease, base sa ulat ng New York Post.

Sa isang interview sa spokesperson ng ospital, itinanggi nito ang paratang na pinababayaan nila ang kanilang mga staff.

Napag-alaman naman ng KAMI na sa USA, may naitalang mahigit 80,000 kaso ng virus, nakapagtala na rin dito ng 1,163 na pagkamatay dahil sa COVID-19.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Samantala, sa isa pang report ng KAMI, pumanaw na rin ang tanyag na Pinoy fashion designer na si Ito Curata dahil sa coronavirus.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

The Funniest TikTok Videos: Andre Reacts

TikTok is taking over the world. If you haven't joined this beautiful platform yet, but want to take a look at hilarious videos, this video is for you! Check out all our videos on KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel