Tanyag na Pinoy designer na si Ito Curata, pumanaw dahil sa COVID-19

Tanyag na Pinoy designer na si Ito Curata, pumanaw dahil sa COVID-19

- Pumanaw sa edad na 60 ang tanyag na Filipino designer na si Ito Curata dahil sa sakit na pneumonia dahil sa komplikasyong dala ng coronavirus disease

- Namaalam ito nito lamang Marso 26 at naulila ang partner na si Bob Miller at anak na si Taj

- Napag-alamang maging si Miller ay na-diagnose rin sa sakit na pneumonia at kasalukuyan pa ring nasa ICU

- Ilan sa mga kilalang naging kliyente nito ay ang Hollywood actress na si Sharon Stone, former president Gloria Macapagal Arroyo at aktres na si Bea Alonzo

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Pumanaw na ang tanyag na Filipino fashion designer na si Ito Curata dahil sa sakit na pneumonia dahil sa komplikasyong dala ng coronavirus disease.

Batay sa ulat ng ABS-CBN News at Manila Standard, isang linggong na-confine si Curata sa intensive care unit ng Asian Hospital and Medical Center bago tuluyang pumanaw nitong Huwebes.

Sa edad na 60, naulila ni Curata ang kanyang partner na si Bob Miller na napag-alamang na-diagnose rin na mayroong pneumonia at kasalukuyang nasa ICU ayon sa fashion designer na si Joey Galon, at ang anak na si Taj.

"Our dearest Ito Curata has passed from COVID-19. I am so heart broken of this news," ani Galon sa isang Facebook post.

"His husband is currently in ICU as they were both admitted for COVID. Please keep Bob and Ito’s family in your prayers. My dearest and beloved Ito, soar high now with angels!" dagdag pa nito.

Nagtapos ng Liberal Arts sa University of San Francisco at Academy of Art College si Curata at nagsimulang makilala sa United States bago tuluyang nanatili sa Pilipinas noong taong 2000 kasama si Miller.

Isa si Curata sa mga beterano at hinahangaan sa fashion industry sa loob ng mahigit 30 taon.

Ilan sa mga kilalang naging kliyente nito ay ang Hollywood actress na si Sharon Stone, former president Gloria Macapagal Arroyo at aktres na si Bea Alonzo.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Samantala, sa isa pang ulat ng KAMI, nakaself-quarantine ang South Korean star na si Song Joong Ki na nangggaling sa Colombia kung saan may naitala na ring kaso ng COVID-19.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

The Funniest TikTok Videos: Andre Reacts

TikTok is taking over the world. If you haven't joined this beautiful platform yet, but want to take a look at hilarious videos, this video is for you! Check out all our videos on KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel