Congressman sa Bulacan, nagpositibo sa COVID-19

Congressman sa Bulacan, nagpositibo sa COVID-19

- Nakumpirma ngayong Marso 26 na nagpositibo sa coronavirus disease si Congressman Henry Villarica

- Si Congressman Villarica ay ang Kinatawan ng 4th District ng Bulacan at asawa ni Meycauayan City Mayor Linabelle Ruth Villarica

- Lumabas ang resulta ng COVID-19 test nito ring Marso 26 ng hapon mula sa RITM

- Dahil dito, kasalukuyan na ring naka-self quarantine ang alkalde ng Meycauayan City na kanyang kabiyak

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Positibo sa 2019 coronavirus disease ang Kinatawan ng 4th District ng Bulacan na si Congressman Henry Villarica.

Kinumpirma ito ng City Information and Community Relations Office ng Meycauayan, Bulacan sa kanilang Facebook page ngayong Marso 26 ng gabi.

Si Congressman Villarica ay ang asawa ni Meycauayan City Mayor Linabelle Ruth Villarica.

Ayon sa anunsyo, Marso 26 ng hapon lumabas ang resulta ng confirmatory test sa Kinatawan mula sa Research Institute for Tropical Medicine.

Naka-confine sa Makati Medical Center mula pa noong Marso 18 si Congressman Villarica na sa ngayon ay nasa stable nang kundisyon.

Samantala, ang kabiyak niyang si Mayor Villarica ay kasalukuyang naka-self quarantine. Wala naman umanong ipinakikitang sintomas ng COVID-19 ang alkalde ng Meycauayan.

“Samantala, bagama’t walang sintomas ng COVID-19, nagself-quarantine na din si Mayor LV bilang Close Contact ni Cong. Henry,” sabi sa anunsyo.

Hiniling naman sa naturang Facebook ang paggaling ni Congressman Villarica.

“Ipanalangin po natin ang patuloy na pagbuti ng kalagayan ni Cong. Henry,” sabi sa post.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa naunang ulat ng KAMI, nagpositibo na rin sa coronavirus si Baliwag Mayor Ferdie Estrella.

Ayon sa Department of Health, nasa 707 na ang confirmed cases ng COVID-19 sa Pilipinas. 71 sa mga ito ay nadagdag sa listahan ngayon lamang Marso 26.

Sa araw na ito rin ay may dalawang gumaling sa nasabing sakit kaya naman umabot na sa 28 ang mga naka-recover sa COVID-19 sa bansa.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

KAMI reviewed the 2020 Oscar Best Picture movie "Parasite" to let you know if it is worth checking out! Check out all of the exciting videos and celebrity interviews on our KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel