Coronavirus: S. Korean star na si Song Joong Ki, naka-self quarantine

Coronavirus: S. Korean star na si Song Joong Ki, naka-self quarantine

-Sasailalim sa self quarantine ang South Korean superstar na si Song Joong Ki sa loob ng dalawang linggo matapos manggaling sa Colombia

-Galing ang aktor sa nasabing bansa upang mag-shoot ng pelikula nitong "Bogota" kasama ang Colombian actress na si Juana del Rio at Lee Hee-joon

-Ayon sa agency ni Joong Ki na History D&C, nasa maayos na kalagayan ito at patuloy nilang imo-monitor ang lagay ng aktor

-Batay naman sa mga ulat, umabot na sa 470 kaso ang naitalang nagpositibo sa coronavirus sa bansang Colombia

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sasailalim sa self quarantine ang South Korean superstar na si Song Joong Ki sa loob ng dalawang linggo matapos manggaling sa Colombia

Pumunta ang aktor sa nasabing bansa kasama ang iba pang cast at crew ng pelikula nitong "Bogota".

Kabilang sa mga cast nito ay ang Colombian actress na si Juana del Rio at si Lee Hee-joon.

Samantala, sa isang ulat ng Koreaboo, sinabi ng agency ni Joong Ki na History D&C na nasa maayos na kalagayan ito.

Patuloy din daw nilang imo-monitor ang lagay ng South Korean actor.

"Currently, there are no issues with Song Joong Ki’s health. He will return home and take a rest, and we will be monitoring him as much as possible during his 2 weeks of self-quarantine."

Dumating umano ang aktor sa Incheon International Airport noong Marso 24 at agad din naman umalis.

Habang ang co-star nito na si Lee Hee-joon ay noon pang Marso 22 nakabalik sa South Korea.

Nasa 40% pa lamang ang natatapos sa pelikulang "Bogota" na nagsimulang mag-shoot noong January.

Dahil sa outbreak, hindi pa alam kung kailan magpapatuloy ito.

Samantala, batay naman sa ulat ng Manila Bulletin umabot na sa 470 kaso ang naitalang nagpositibo sa coronavirus sa bansang Colombia. Apat na ang naitalang namatay dito.

Naghigpit na rin ang Colombian government sa mga byahe papasok at palabas sa kanilang bansa.

Si Song Joong Ki ay isang South Korean actor at lubos na nakilala sa hit koreanovela na "Descendants Of The Sun", kung saan nakasama niya ang South Korean actress na si Song Hye Kyo.

Ginulat ng dalawa ang buong mundo nang i-anunsiyo nila ang kanilang kasal na naganap noong October 31, 2017, ngunit agad ding natapos ang relasyon ng dalawa noong 2019 at nag-divorce.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

The Funniest TikTok Videos: Andre Reacts

TikTok is taking over the world. If you haven't joined this beautiful platform yet, but want to take a look at hilarious videos, this video is for you! Check out all our videos on KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel