Tulong muna! Ilang 'Indian' sa Bulacan, namigay ng pagkain sa isang barangay

Tulong muna! Ilang 'Indian' sa Bulacan, namigay ng pagkain sa isang barangay

- Isang grupo ng mga Indian sa Bulacan ang namigay ng mga pagkain sa ilang residente sa kanilang lugar

- Makikita sa mga larawan na nagbabahay-bahay ang mga Indian para mamigay ng bigay at de lata at iba pang pagkain

- Kilala kasi ang mga Indian na naririto sa bansa bilang takbuhan ng mga Pinoy kung nagigipit sa pera

- Sa panahon ngayon ng krisis, mas pinili ng mga ito na magbigay kaysa maningil ng mga napahiram sa mga Pinoy na nagigipit

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Umani ng papuri ang grupo ng mga Indian sa San Jose Del Monte Bulacan dahil sa pamimigay nila ng tulong sa mga residente ng Brgy. Gaya-gaya

Binahagi ng Facebook page na Master Epong ang mga larawan ng Indian na nagbabahay-bahay upang mamigay ng bigas at ilang de lata.

Bakas sa mukha ng kanilang mga nabibigyan ang kasiyahan lalo na at marami sa ating mga kababayan ngayon ang namomroblema sa pangkain nila sa araw-araw dahil kasalukuyang naka-enhanced community quarantine ang Luzon bilang pag-iingat sapaglaganap ng COVID-19.

Kung dati ay tinataguan ang mga Indian o mas kilala sa tawag na "bumbay" sa karamihan, bukas na bukas ngayon ang mga pinto ng mga residenteng mapalad na nabigyan nila ng pagkain.

Kilala kasi ang karamihan na Indiansa ating bansa bilang takbuhan ng mga kinukulang sa budget maging ng mga kinukulang na puhunan sa maliliit na tindahan.

Kaya naman ngayong humaharap sa krisis ang bansa, hindi raw sila naniningil ng pinahiram sa mga Pinoy, sila pa mismo ang nagbigay.

Isa lamang itong patunay na maasahan daw talaga ang mga Indian sa oras ng pangangailangan tulad na lamang ng ginawa nilang boluntaryong pagtulong sa mga taga-Bulacan.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang ilan sa mga komento ng netizens:

"Salamat na rin kasi sila kahit paano eh tumulong, kahit sabihin pa ng iba na pinagkakakitaan kasi nila mga pinoy, atleast they showed genuine care sa tao, unlike sa ibang politiko/ or kahit hindi politiko na may means sana para tumulong sa lesser fortunate na kapwa nila pinoy eh mas Deserve nila ang Respeto ko"
"Thank you much mga indiano! (bombay) kahit di kyo pinoy u have much heart para sa mga pinoy!!! Thank you!!!"
"Buti pa tong mga kaibigan nating indian national ,,nag effort ambilis ng ayuda kahit sa konting bagay lang"
"Nakakataba ng puso na makita ang mga kaibigan nating indiano na nagkusang tumulong sa mga Pinoy"
"Pagpalain pa po kayo... kaya naman sadyang malalapit sa inyo ang mga Pilipino"

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Have you seen the movie Parasite already? Here are our thoughts on the Best picture Oscar winner. If you watched the film, let us know if you agree with our host Christine.

Parasite: 5 Bests and 5 Worsts About The Movie | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel