COVID-19 scare: ACT-CIS Rep. Eric Go Yap, posibleng maharap sa kaso

COVID-19 scare: ACT-CIS Rep. Eric Go Yap, posibleng maharap sa kaso

- Posible raw maharap sa kaso si ACT-CIS Representative Eric Go Yap dahil sa paglabag nito sa quaratine protocol

- Ilang beses pa itong nakisalamuha sa tao pagkatapos magpa-test para sa COVID-19 bago siya nagpositibo

- Pinag-iisipan na raw ng Presidential Security Group (PSG) kung sasampahan ng kaso ang kongresista na dumalo pa sa isang pulong sa Malacañang

- Sa isang pahayag, humingi na ng tawad si Yap dahil sa naging aksyon nito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Posible raw maharap sa kaso si ACT-CIS Representative Eric Go Yap dahil sa paglabag nito sa quaratine protocol.

Sa isang statement na inilabas ng kongresista, ipinahayag nito sa publiko na ito ay positibo sa coronavirus.

"It is with a heavy heart that I share to all of you that I tested positive for coronavirus," ayon sa statement.

Pero, sa isang ulat ng ABS-CBN News, inamin ni Yap na ilang beses pa siyang lumabas kahit batid niyang posible siyang nahawaan ng virus.

"Since March 10, ilang tao pa ang nakasalamuha ko kabilang na ang ilan na maaaring na-expose sa mga known positive cases of COVID-19... After that, it was business as usual for me but I was careful as always," anito.

Marso 15 nang magpa-test si Yap para sa COVID-15. Sinabi rin nito na nakipagkita pa siya kay Transportation Secretary Arthur Tugade na kinalaunan ay napag-alaman niyang nagkaroon ng direct contact sa isang taong nagpositibo sa virus.

"No'ng lumabas sa news na kasama niya 'yong isang nag-positive, kinabahan ho talaga ako. 'Yon 'yong talagang napa-praning na ako," sabi nito.

Dahil dito, isa na si Yap sa mga PUI o persons under investigation batay sa Department of Health (DOH) protocol.

Ngunit noong Marso 21, dumalo pa ito sa isang pagpupulong sa Malacañang.

"After my testing, March 21, ipinatawag pa ako para sa isang pagpupulong sa Malacañang... I attended the meeting and was careful the whole time knowing na I could potentially be a carrier of the virus," anito.

Dahil dito, pinag-iisipan na raw ng Presidential Security Group (PSG) kung sasampahan ng kaso ang kongresista, batay sa ulat ng Inquirer.

“We have been implementing strict security measures sa kahit sino ang pumasok dito sa palasyo. We are letting them sign a declaration form. Ang problema, itong si Congressman Yap, he didn’t fill up yung form,” ayon kay PSG Commander Jesus Durante III.

“He didn’t declare na may contact siya with some people who were found positive. And he has a cough and has been experiencing some symptoms. Hindi niya lahat dineclare ito,” dagdag nito.

“If really needed, we could file a case against him for that breach, nung ginawa niya," sabi pa ni Durante.

Matapos nito, dumalo rin ito sa special session sa House of Representatives para talakayin ang special powers bill.

"Earlier that day, bago magtungo ng Kongreso, nagtanong ako kung may resulta na ang aking test, pero wala pa rin daw. That was 8 days after my test."

Humingi na ng paumanhin ang kongresista dahil sa kanyang naging aksyon.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

The Funniest TikTok Videos: Andre Reacts

TikTok is taking over the world. If you haven't joined this beautiful platform yet, but want to take a look at hilarious videos, this video is for you! Check out all our videos on KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel