Isang nanay, ikinuwento ang hirap nang magpositibo sa COVID-19 ang anak niya

Isang nanay, ikinuwento ang hirap nang magpositibo sa COVID-19 ang anak niya

- Naging viral sa social media ang kwento ng isang ina nang magkaroon ng coronavirus disease (COVID-19) ang anak niya

- Kwento niya, mahirap para sa kanya ang nakikitang nahihirapan at nasasaktan din ang anak niya dahil sa sakit na ito

- Kaya naman paalala niya sa lahat, manatili na lang muna sa bahay habang laganap pa ang COVID-19

- Ngayon naman ay unti-unti na raw bumubuti ang kalagayan ng bata at nagpapagaling pa ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Tampok ngayon sa social media ang kwento ng isang ina nagpositibo ang anak sa coronavirus disease (COVID-19).

Nalaman ng KAMI na bata pa lang ang anak nito ngunit tinamaan na ng coronavirus.

Paalala ng ina na si Lauren Fulbrook, dapat seryosohin ng lahat ang banta ng COVID-19 dahil ito ay nakakapeligro ng buhay.

Kwento niya, nakikita niya ang paghihirap at sakit na nararamdaman ng anak niya nang magkasakit ito. Hindi na raw masyado nagkikikilos, kumakain, umiinom o umiihi ang anak niya dahil nanghihina ito.

Dagdag niya pa, umiiyak din daw ang anak niya dahil sa sakit ng ulo nito. Tinanong pa umano siya ng bata kung posible bang ikamatay niya ang sakit na ito.

“He lay in the hospital bed and asked me if he was going to die - as a mother that is heartbreaking,” sabi nito sa Facebook post.

Bumaba rin daw ang sugar level ng bata at labis ang paglalabas ng pawis. May pagkakataon din daw na nahihirapan huminga ito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kaya para sa ina, labis na lang ang hirap dahil wala siyang magawa upang maligtas ang anak niya mula sa sakit na ito.

“As his mom and not being able to do anything for him has been one of the worst experiences of my life,” sabi ni Lauren.

Paalala naman niya, huwag na munang lumabas ng bahay upang maging ligtas at makaiwas sa COVID-19. Sa ngayon daw ay unti-unti nang bumubuti ang kalagayan ng anak niya.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

KAMI reviewed the 2020 Oscar Best Picture movie "Parasite" to let you know if it is worth checking out! Check out all of the exciting videos and celebrity interviews on our KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel