Nurse sa Italy, kinuha ang sariling buhay dahil takot makahawa ng coronavirus

Nurse sa Italy, kinuha ang sariling buhay dahil takot makahawa ng coronavirus

- Isang nurse sa Italy ang nagpositibo sa coronavirus disease (COVID-19)

- Ayon sa ibang mga ulat, binawi ng nurse ang kanyang sariling buhay dahil sa takot nitong mahawaan ang mga pasyente nila

- Matinding stress umano ang pinagdaanan ng nurse dahil sa kanyang kalagayan

- Agad siyang isinailalim sa home quarantine nang magkaroon ng sintomas mula ika-10 ng Marso

- Samantala, nasa lagpas 7,500 naman na ang nasawi sa buong Italy dahil sa COVID-19

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Isang 34 anyos na nurse sa Italy na nagpositibo sa coronavirus disease (COVID-19) ang nagbuwis ng kanyang buhay.

Nalaman ng KAMI na kinuha ng nurse ang kanyang sariling buhay dahil sa takot niyang makahawa ng sakit sa mga pasyenteng inaalagaan nila.

Ayon sa ulat ng The Daily Mail (isinulat ni Tim Stickings), kinumpirma ng National Federation of Nurses of Italy ang pagpanaw ng isang nurse dahil sa matinding “stress” na kanyang pinagdaanan dahil sa takot nitong mahawaan niya ang mga pasyente nila.

Naibalita na ang nurse na si Daniela Trezzi ay isa sa mga frontline health workers na nagseserbisyo sa intensive care ward ng San Gerardo Hospital sa Monza.

Sabi sa ulat ng New York Post (isinulat ni Yaron Steinbuch), sumailalim sa home quarantine si Daniela matapos niyang magkaroon ng sintomas ng COVID-19 mula noong ika-10 ng Marso.

“Each of us has chosen this profession for good and, unfortunately, also for bad: we are nurses,” sabi ng pederasyon.

“The condition and stress to which our professionals are subjected is under the eyes of all,” dagdag pa nito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ayon sa ulat ng Al Jazeera, nasa 683 ang pumanaw sa Italy sa loob ng isang araw nitong Miyerkules. Naitalang nasa 7,503 na ang lahat ng nasawi sa Italy simula noong magkaroon ng COVID-19 sa bansang ito.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

KAMI reviewed the 2020 Oscar Best Picture movie "Parasite" to let you know if it is worth checking out! Check out all of the exciting videos and celebrity interviews on our KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel